• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

League of Provinces, pag-uusapan na gawing opsyonal ang pagsusuot ng COVID-19 face mask

PAG-UUSAPAN ng League of Provinces of the Philippines  kung gagawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask laban sa  COVID-19 kapag nasa labas.

 

 

“Hindi pa namin talaga napag-uusapan. But I look forward kasi itong Biyernes meron kaming gaganapin na term-ender meeting at sana doon, plano ko rin po makipagkuwentuhan at makipagtanungan sa aming mga kasamahan kung ano ang kanilang pananaw dito sa isyu na ito,” ayon kay  League of Provinces of the Philippines National Chairman at Quirino Governor Dakila Cua  sa  Laging Handa public  briefing.

 

 

“Nakikita po natin na may LGUs na nagsasabi, pag-aralan man lang, pag-usapan, tingnan ang datos. We ask our IATF to share the data,” dagdag na pahayag ni Cua.

 

 

Sa ilalim ng  Executive Order No. 16 na ipinalabas ni Cebu Governor Gwen Garcia, ang pagsusuot ng face masks ay required na lamang sa mga “closed and air-conditioned spaces.”

 

 

Hindi naman kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang EO ni Garcia, dahil malinaw na sumasalungat ito sa  IATF Guidelines na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Gayundin, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra sna ang  IATF resolution hinggil sa mandatory na pagsusuot ng  face mask ay umiiral sa bisa ng executive orders  na ipinalabas ng  local government units.

 

 

“The IATF resolutions on the mandatory wearing of face masks, whether indoor or outdoor, are incorporated in and/or enabled by executive orders issued by the President,” paliwanag ni Guevarra.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Cua na nagsisimula nang talakayin at himayin ng provincial government ng Quirino  kung susunod sila sa  ginawang halimbawa ng Cebu.

 

 

“We see that perhaps there should be dimension or depth to this policy at least in the outdoors. Kasi dadating at dadating ang panahon, nakikita po natin, na ang pandemya ay huhupa at magiging isang lokal na matter na lamang po,”  ayon kay Cua.

 

 

“Siyempre naman po kung makapapanganib sa aming mga kaprobinsyahan, hindi naman namin ipatutupad ‘yung ganu’ng panukala,” paglilinaw nito.

 

 

Samantala, nakiisa naman si Cua sa panawagan na pag-aralang mabuti ang policy changes sa paggamit ng face mask sa labas ng bahay o sa mga pampublikong lugar  kahit pa sa gitna ng posibleng deklarasyon ng  public health emergency sa bansa sa ilalim ng  termino ni  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Sa kasalukuyan,  sinabi ni Cua na nasa zero covid case ang Quirino province. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • LAKERS, ALAY KAY ‘BIG BROTHER’ KOBE BRYANT ANG NBA CHAMPIONSHIP

    INIALAY ng Los Angeles Lakers sa namayapang basketball icon na si Kobe Bryant ang kanilang pagkampeon sa NBA Finals.   Maaalalang nagulantang ang buong mundo sa biglaang pagpanaw ni Bryant, anak nitong si Gianna at pitong iba pa nang bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.   Ayon kay […]

  • 2 kelot kulong sa sugal, mga bala at shabu sa Valenzuela

    SWAK sa selda ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto sa sugal at paglalaro ng bala sa Valenzuela City.       Sa report ni PSSg Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang mga tauhan ni Malinta Police Sub-Station 4 Commander […]

  • BTS napiling Entertainer of the Year ng TIME Magazine

    Hinirang bilang Entertainer of the Year ng Time magazine ang K-pop group na BTS.   Sa Twitter account ng sikat na magazine ay ibinahagi nila ang pinakabagong cover nila kasama ang nasabing grupo. Itinuturing kasi ng magazine na bukod sa pagiging pinakamalaking K-pop act sa charts ay sila na rin ang pinakamalaking banda sa buong […]