LeBron at Davis muling dinomina ang 16th win ng Lakers vs Hawks, 107-99
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
Muli na namang nagsama ng puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang tulungan ang Los Angeles Lakers na iposte ang kanilang ika-16 na panalo laban sa Atlanta Hawks, 107-99.
Nagtala si Davis ng 25 points, habang si LeBron naman ay nagpasok ng 21 points, liban pa sa kanyang all around game.
Sa Hawks (10-10) si Trae Young ang nanguna na may 25 points at 16 assists.
Samantala habang nasa kainitan ang rally ng Lakers sa homecourt ng Atlanta Hawks sa State Farm Arena, dalawang mga babae naman ang todo ang kantiyaw kay LeBron dahilan para mapatigil ng ilang sandali ang laro.
Nagtanggal pa ng face mask ang dalawang fans, hanggang sa palayasin ang mga ito sa courtside.
Para naman kay James hindi na ito “big deal” sa kanya at hindi na sana pinalabas ang mga fans.
Umaabot sa 1,341 ang limitadong mga fans na pinayagang pumasok sa arena pero ang mga ito ay sumunod sa protocols na social distancing.
Dahil naman sa panibagong panalo na-extend ng Lakers ang 31 straight victories kung mababa sa 100 points ang score ng kalaban.
Nagawa ring maipanalo ng Los Angeles ang walo sa huling siyam na last nine meetings kontra sa Hawks.
-
BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, NASABAT SA CLARK
NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Freeport Zone ang isang babae na biktima ng human trafficking na may pekeng pangalan. Ang biktima ay pansamantalang hindi pinangalanan aklinsunod sa anti-trafficking laws, ay nagmula sa Cotabato ay tinangkang sumakay sa Qatar Airways flight No. QR 931 sa Clark International Airport […]
-
BSKE, isang “litmus test” para sa functioning democracy sa Bangsamoro
PINURI ni Presidential peace adviser Carlito Galvez, Jr. ang matagumpay na pagdaraos ng lokal na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ani Galvez, nakapasa ang lokal na pamahalaan sa tinatawag na “litmus test of a well-functioning democracy.” Sa isang kalatas, pinasalamatan ni Galvez ang mga miyembro ng militar at […]
-
Rematch hamon ni Holyfield, kay Tyson
HINAMON na ni dating heavyweight boxing champion Evander Holyfield si Mike Tyson. Sa inilabas nitong video, direktahang hinamon nito si Tyson. Nakatakda kasing makalaban ni Tyson si Roy Jones Jr sa November 28 kaya sinabi nito na nais niya na siya ang sumunod na makalaban nito. Lumabas din sa kampo ni Holyfield […]