• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LeBron, Davis ‘di maglalaro sa preseason opener ng Lakers?

Posible umanong hindi muna maglaro sa unang preseason game ng Los Angeles Lakers ang superstar duo nina LeBron James at Anthony Davis.

 

Ayon kay Lakers coach Frank Vogel, bagama’t wala pa silang nabubuong desisyon, ito na raw marahil ang tutunguhin ng kanilang magiging pasya.

 

“We haven’t made that decision yet, but I will say it’s probably unlikely that they play,” wika ni Vogel.

 

Sa nasabing preseason game, haharapin ng Lakers ang mahigpit nilang karibal na Los Angeles Clippers sa darating na Sabado.

 

Matapos ang Clippers, sunod naman nilang kakalabanin ang Phoenix Suns sa susunod na linggo.

 

Sa Disyembre 23 naman gaganapin ang kanilang unang laro sa regular season kung saan makakatunggali nila ang Dallas Mavericks.

Other News
  • 642 kaso ng COVID-19 variants, natukoy

    Umabot sa 642 mga bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) sa gitna ng tumataas na kaso ng virus sa bansa.     Ayon sa DOH, nasa 266 kaso ng B.1.1.7 o UK variant ang natukoy; 351 ang B.1.351 o ang South African variant at 25 bagong […]

  • Marami nang nasulat sa maiskandalong paghihiwalay nila ni Victor: MAGGIE, walang uurungan at ipaglalaban ang kanyang karapatan

    SINUSUBAYBAYAN ngayon ng mga netizens ang nangyayari sa tila scandal sa pagitan nina Maggie Wilson at Victor Consunji na ngayo’y estranged couple na.     Kung si Victor ay kilala bilang business mogul bilang young CEO of Victor Consunji Development Corporation, hindi rin pwedeng isnabin ang mga pansariling achievements ni Maggie kahit sa business world, […]

  • Mas kaunting bilang ng teenage pregnancies dahil sa bigilante, pandemya- POPCOM chief

    TINUKOY ni Commission on Population and Development (POPCOM) officer-in-charge Executive Director Lolito Tacardon  na ang masigasig na pagbabantay ng publiko at ang  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic  ang mga dahilan kung bakit bumagsak  ang  bilang ng teenage pregnancies  na naitala sa bansa.     Tugon ito ng POPCOM sa ipinalabas ng  University of the Philippines […]