LEGITIMACY NG PDP LABAN MARERESOLBA
- Published on March 25, 2022
- by @peoplesbalita
MARERESOLBA ng poll body ang legitimacy case ng PDP-Laban bago matapos ang Marso.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa panayam na inutuan sila ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa en banc meeting noong nakaraang linggo upang mapabilis ang pagresolba ng kaso ng PDP-Laban.
“I was really hoping that we will be able to resolve this controversy involving the intra-party dispute of this party before the end of March. We should be able to do that in order to raise any doubt,” sabi ni Garcia.
Ang mga kampo nina Cusi at Pacquiao, na parehong nagsasabing sila ang mga lehitimong pinuno ng partidong pulitikal, ay nagsumite sa parehong taon ng kanilang Sworn Information Update Statement (SIUS) sa Comelec para sa May 2022 polls.
Sinabi ni Garcia na hindi siya sasali sa pagresolba ng kaso.
“I’m not participating in the deliberation or in acting on the petition, simply because I used to be a lawyer of the PDP-Laban when both camps were still united…Prudence dictates that I should not participate,” ani Garcia
Kung hihilingin aniya ang kanyang guidance halimbawa, magbibigay ito ng kaalaman o historical backgrounds ngunit hindi siya makikibahagi, hindi naiimpluwensyahan o anuman ang kalalabasan ng kasong ito.Dapat itong mapagpasyahan nang malaya nang walang kinikilingan ng Komisyon.
Ipinahayag din ni Garcia na may tunggalian pa rin kung alin sa pagitan ng Certificate of Nomination Acceptance (CONA) ng kandidato ang dapat manaig ng dalawang partido.
Nitong Miyerkules, sinabi niya na wala pang resolusyon kung aling grupo ang dapat kabilang sa PDP-Laban bilang isang partido.
“The resolution of this controversy is so important because there’s other certain implications or collaterals that will be resolved because of the resolution of this controversy,” ayon pa kay Garcia.
Kasalukuyang nahahati ang partido pulitikal sa dalawang magkaibang paksyon: ang isa ay pinamumunuan nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at Manny Pacquiao, at ang isa naman ay pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.
Kamakailan ay nagpahayag ng suporta si Cusi sa kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nauna nitong sinuportahan ang kandidatura ni Senador Christopher “Bong” Go na kalaunan ay umatras. Ang isa naman ay sumusuporta sa pagkandidato sa pagkapangulo ni Pacquiao.
Nauna nang naghain ang Cusi wing noong nakaraang taon ng petisyon na humihiling sa poll body na ideklara ang pangkat ni Pacquiao bilang mga iligal na kinatawan ng PDP-Laban. GENE ADSUARA
-
Malaking responsibilidad na makatrabaho siya: DINGDONG, nakita ang passion sa trabaho ni RABIYA
HINDI man sentro sa romantic angle ang bagong primetime series na “Royal Blood” pero still, bagong tambalan nina Dingdong Dantes at Rabiya Mateo. Nakita naman daw ni Dingdong ang passion ni Rabiya sa kanyang trabaho. “She’s very, very interested sa ginagawa niya. Gusto niya ‘yong ginagawa niya and sa tingin ko, pinaka-mahalaga pa rin na […]
-
Humanitarian aid mula sa EU, iba’t-ibang bansa, aabot na ng P182-M: UN
Nakaipon na ang United Nations ng P182 million mula sa pagtutulungan ng European Union, Sweden, Australia, United States, Germany at Zealand para umagapay sa typhoon response ng Pilipinas. Ang nasabing humanitarian assistance ay makakatulong sa halos 260,000 Pilipino na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad. Sinabi ni UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator […]
-
Gilas Pilipinas sisimulan na ang puspusang ensayo sa Laguna
MAGSISIMULA na ngayong araw ang puspusang ensayo ng Gilas Pilipinas para sa gaganaping ikalawang window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers. Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na mananatili muna ang mga Gilas Pilipinas sa kanilang training camp sa Calamba, Laguna. Dahil sa limitadong oras ng ensayo ay nagpasya ang mga ito na hindi muna […]