LGU’s Civil Defense Units , sinabihan na maghanda para sa tropical storm Kristine
- Published on October 23, 2024
- by @peoplesbalita
KINALAMPAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units laban sa Tropical Storm Kristine.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla Jr. na ang pagkilos ay bilang tugon sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na maghanda ang bansa sa epekto ng bagyo.
“All units have been mobilized. All local government units have been informed,” ang sinabi ng Kalihim.
Sa kabila ng pagiging ‘unpredictable’ ng tropical storm, sinabi ni Remulla na ang lahat ng LGUs at civil defense units ay nasa ‘top of the situation.’
Tinukoy pa ni Remulla na ang rekumendasyon na suspendihin ang klase ngayong araw Oktubre 22 at 23 ay ipinalabas na sa LGUs sa Metro Manila at sa buong Luzon seaboard.
Suspendido rin aniya ang seacraft schedules.
“Again, we advised all government units to suspend classes in the entire Luzon seaboard, buong Luzon ‘yan,” ayon kay Remulla.
Samantala tiniyak naman ni Remulla na ang evacuation areas at relief goods ay nakahanda na. ( Daris Jose)
-
Patuloy ang pagdagsa ng mga endorsement… MARIAN, turning forty na at very grateful sa lahat ng blessings
PATULOY ngang nadaragdagan ang mga endorsement ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil bukod sa isa siyang A-lister celebrity, siya ang kasalukuyang Box-Office Queen dahil sa isang bilyong pisong kinita ng ‘Rewind’ nila ng mister na si Dingdong Dantes nitong Disyembre 2023. Kaya naitanong naman Marian kung nabibilang pa ba niya ang […]
-
P703 milyong fuel subsidies, naipamahagi na sa PUV drivers
NAIPAMAHAGI na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may P703 milyong halaga ng fuel subsidy na laan para sa mga benepisyaryong driver ng pampasaherong jeep. Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, ang fuel subsidies ay para sa kabuuang 108,164 beneficiaries na tumanggap ng P6,500 kada unit kaugnay ng Pantawid […]
-
PH aquatics team nagtakda ng Open Tryout para sa Cambodia SEAG
Inatasan ang Stabilization Committee ng World Aquatics (dating FINA) Bureau na mangasiwa sa swimming sa Pilipinas sa pagsasagawa ng open tryout para matukoy ang komposisyon ng koponan na pupunta sa 2023 Cambodia SEA Games. Nakatakda ang tryout sa Pebrero 18 at 19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac. Isang direktiba […]