• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs handang maglabas ng ordinansa para sa mandatory vaccination – LPP

Bukas si League of Provinces of the Philippines (LPP) president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa ideya na maglabas sila ng ordinansa para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.

 

 

Nakapaloob aniya sa ilalim ng Local Government Code ang clause hinggil sa general welfare na nagpapahintulot sa mga local government units na magpasa ng mga ordinansa para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

 

 

Inirekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III na gamitin ang kapangyarihan na mayroon ang mga LGUs habang wala pang naipapasang batas para sa mandatory vaccination.

 

 

Pero, iginiit ni Velasco na dapat ding ikonsidera ng mga LGUs ang karapatan sa kalusugan, mga paniniwala sa reliheyon, at dapat may informed consent sa pagsusulong sa naturang mungkahi.

 

 

Gayunman, sakaling matuloy man ang paglalabas ng ordinansa para sa mandatory vaccination, sinabi ni Velasco na posibleng magpataw ng mga penalties ang mga LGUs sa sinumang lalabag dito.

 

 

Pinayuhan naman niya ang mga LGUs na maging maingat sa pagpasa ng ordinansa sa naturang usapin dahil maapektuhan aniya nito ang buhay ng napakaraming tao at posible ring makuwestiyon pa sa korte kung sakali.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Velasco na mayroong discretion ang mga LGUs kung sila ba ay magbibigay ng cash bonuses sa mga bakunado nang empleyado tulad ng ginagawa sa mga nagtatrabaho sa Cebu City Hall na makakatanggap ng P20,000 bonus sa Pasko kapag fully vaccinated na kontra COVID-19.

Other News
  • Ads July 22, 2021

  • Tinawag na ‘accla ng taon’ ng netizens: BENJAMIN, ‘di inakala na katutuwaan ang role niya bilang Basil

    ALIW na aliw si Benjamin Alves sa mga comments sa pagganap niya bilang Basil Palacios sa ‘Widows’ War.’     Tinatawag ng maraming netizens si Basil na “Accla ng taon” dahil sa pagiging fake, manipulative, blackmailer at ang hangad niyang mapatay ang misis niyang si George played by Carla Abellana.     Hindi nga raw inakala […]

  • Ex-tennis star Maria Sharapova napili bilang 2025 Tennis Hall of Fame

    NAPILI bilang inductees ng 2025 International Tennis Hall of Fame si dating World number Maria Sharapova.   Kasama rin itong napili ang US doubles team na magkapati na sina Bob at Mike Bryan.   Ang five-time Grand Slam champion ay isa sa 10 mga babae na nagkamit ng career singles Grand Slam.   Nanatili siya […]