• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs, nahihirapan na makapaghatid ng food aid sa mga biktima ni “Kristine” — DSWD

NAHIHIRAPAN ang ilang local government units (LGUs) na makapaghatid at mamahagi ng food assistance sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Kristine.

 

Sa katunayan, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na 50,000 family food packs lamang mula sa 170,000 packs na nakatago sa iba’t ibang bodega sa Bicol Region ang nakuha ng LGUs.

 

“Actually, marami silang request pero nag-aantay kami na kunin nila at pick-up-in nila,” ang sinabi pa ni Gatchalian sa isang panayam.

 

“Katulad kahapon, kausap ko si Governor, acting governor ng Albay, si Vice Governor Glenda. Sabi nga niya, onti-onti nang bumababa ‘yung tubig sa Albay pero kailangan nila ng kaunting panahon bago nila makuha ‘yung mga goods sa aming mga warehouse,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

 

Sa Camarines Sur, sinabi ni Gatchalian na dahan-dahang nakukuha ng mga awtoridad ang food packs, subalit nakapokus talaga ang mga ito sa pagsalba sa mga residente na apektado ng bagyo.

 

Ang signal No.3 ay nakataas sa mahigit sa 16 na lugar sa Luzon habang kumikilos si Kristine patungong Cordillera Administrative Region.

 

Nakapagtala naman ang mga awtoridad ng 20 kataong nasawi sa Bicol Region.

 

Ani Gatchalian, may karagdagang 50,000 food packs ang patungo na sa Bicol Region.

 

“Patuloy kaming nakikipagugnayan sa mga LGUs na kunin na ‘yung mga goods. Ang instruction ng Pangulo naman sa akin kahapon siguraduhin na hindi kami maubusan doon. So habang nag di-distribute tayo ngayon sa mga LGUs, meron na tayong mga goods na papunta ulit ng Bicol,” ang sinabi pa ng Kalihim.

 

Samantala, sinabi ni Gatchalian na ang LGUs ang responsable sa paghahatid ng food packs sa mga pamilya at hindi ang DSWD.

 

“Ang DSWD, ang role namin is suportahan ang ating mga LGUs kung sakaling kulangin sila ng mga goods. So tayo, nasa warehouse natin ‘yung mga good bago pa tumaman… ‘yung epekto ni Bagyong Kristine,” aniya pa rin.

 

Samantala dahil sa bagyong Kristine ay muling sinuspinde ng gobyerno ang pasok sa trabaho sa tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa buong Luzon. (Daris Jose)

 

Other News
  • ANGELICA, desidido na talagang mag-retire sa paggawa ng teleserye; focus na lang sa movie at lovelife

    DESIDIDO na ang 33-year-old actress na si Angelica Panganiban na mag-retire na siya sa paggawa ng teleserye.     Noon pang September 2020 unang sinabi ang bagay na ito ni Angelica at inulit niya muli ngayon.          “Hindi iyon overnight decision,” sabi ni Angelica sa isang interview.     “Ilang taon ko rin […]

  • Sana ako si Santa Klaus (1)

    PASKO 2020 na po sa darating na Biyernes, Disyembre 25.   At kagaya po nang nakagawian ng Opensa Depensa sapul noong 1997 dito sa People’s BALITA Sports, may mga gusto po akong mangyari o ako po’y may mga kahilingan sa ating Dakilang Diyos.   O sana ako lang po si Santa Klaws para matupad ang […]

  • APOSTOLIC NUNCIO, BUMISITA S AMANILA CITY HALL

    BUMISITA kahapon  si  Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown  sa Manila City hall.   Sa kanilang maikling pag-usap, pinuri ni Archbishop Brown si Mayor Isko Moreno dahil sa magadang nagawa nito sa Maynila .   Nagpasalamat naman si Domagoso  sa Apostolic Nuncio  na sa tulong  ng mga kapulisan at national government ay maayos […]