• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng sakay ng mga estudyante limited na lamang sa LRT 2

BINAWI ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang pahayag ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga estudyente sa lahat ng rail lines maliban sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) matapos ang pamahalaan ay nagsabing hindi na makakayanan ang revenue losses na kanilang nararanasan.

 

 

 

“The DOTr has received an order from the President to offer free rides for students on LRT 2 only. The President removed MRT 3 and PNR from the program because the government will incur losses that can be used instead for rail maintenance,” wika ni DOTr undersecretary Cesar Chavez.

 

 

 

Ayon kay Chavez nag desisyon si Marcos na sa LRT 2 na lamang magbigay ng libreng sakay matapos makitang ang pamahalaan ay nalugi ng P515.9 million mula sa tatlong rail lines na nagbigay ng libreng sakay.

 

 

 

Sa naitalang datus, lumalabas na may 1,400 na estudyante lamang ang gumagamit ng MRT3 kumpara sa 4,500 na sumasakay sa LRT 2 na mga estudyante noong walang pa ang pandemya. Dahil dito minabuti ni Marcos na mag focus na lamang sa libreng sakay sa LRT 2 sapagkat ito ay dumadaan sa university belt.

 

 

 

Sinabi rin ni Chavez na ang pamahalaan ay nagbibigay ng subsidize na 80 porsiento para sa pamasahe sa PNR ng isang pasahero.

 

 

 

“It costs the PNR up to P362 to transport a commuter from Tutuban to Calamba, but it only charges P60 for the route that spans nearly 60 kilometers. The daily passenger count at the PNR reaches as high as 80,000 before the pandemic. Right now, the rail line just services more or less 25,000 per day. Given this, we want to allow PNR to recover the revenues it lost to the pandemic,” dagdag ni Chavez.

 

 

 

Ang isang alternatibong paraan ayon kay Marcos ay mabigyan ang mga estudyante ng automatic na 20 porsiento na discount sa kanilang pamasahe kung kayat binigyan niya ang DOTr na pag-aralan ang nasabing mungkahi. Binigyan ng instruction ni Marcos ang DOTr na pag-aralan kung paano ang mga turnstiles sa mga estasyon ay ma identify ang Beep cards ng mga estudyante upang mabigyan sila ng discount na 20 porsiento na siyang mandated ng batas.

 

 

 

Kung kaya’t nagbigay din ng instruction si Marcos na dahan-dahan ng alisin ang libreng sakay sa lahat ng rail lines kapalit ay ang pagbibigay na lamang ng 20 porsiento discount sa mga estudyante.

 

May mahigit na 29 million na mga pasahero ng tatlong rail lines ang nabigyan ng benipisyo ng libreng sakay mula noong March 28 hanggang June 30.

 

 

 

Samantala, isisusulong naman ni Congressman LRay Villafuerte ang pagbibigay ng libreng sakay kung saan hinihikayat niya ang DOTr at Department of Budget and Management (DBM) na magtulungan upang makahanap ng pondo para sa programa ng libreng sakay.

 

 

 

Ayon kay Villafuerte na ang pagpapatuloy ng programa ay mahalaga sa mga pasahero sa gitna ng tumataas ng presyon ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kasama na ang transportasyon.

 

 

 

Sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) naman ay pinag-aaralan ang mungkahi na magdagdag ng mas madaming ruta para sa mga pampublikong transportasyon lalo na ang mga public utility jeepneys (PUJs) at buses para sa darating na pagbubukas ng face-to-face klase ngayon August.

 

 

 

Nangako naman si LTFRB chairman Cheloy Garafil na pagagandahin pa nila ang serbisyo ng EDSA Carousel na ipagpapatuloy hanggang December. Nangako rin si Garafil na madadaliin nila ang mga payouts sa mga concerned operators ng EDSA Carousel na naaantala ang bayad sa mga partner operators at drivers. LASACMAR

Other News
  • Meet the Pawsome Characters of “The Garfield Movie”

    MEET the pawsome characters of The Garfield Movie, starring Chris Pratt. Discover the hilarious and heartwarming adventures of Garfield, Jon, Odie, and more. In cinemas May 29     Get ready to embark on an exciting adventure with Garfield in the all-new, all-animated “The Garfield Movie“! Opening in cinemas on May 29, this film promises […]

  • OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG

    PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang  dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30.     Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung […]

  • Maynilad at Manila Water may bawas-singil sa Enero

    Epektibo sa Enero 1, 2021 ay magpapatupad ng bawas sa singil sa tubig ang dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water sa milyon nilang customers sa Metro Manila at karatig lalawigan.   Ayon sa Manila Water, aabutin ng P0.14 kada cubic meter ang bawas nila sa singil sa tubig at sa Maynilad naman ay P0.05 kada cubic […]