‘Lies of the highest levels’ ang pahayag ni Grijaldo ayon kay Rep. Dan Fernandez
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
MARIING itinanggi ni Rep. Dan Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety ang naging pahayag ni Police Col. Hector Grijaldo sa senado na pinilit siya nina Quad Committee co-chairs Reps. Fernandez at Bienvenido “Benny” Abante Jr. na pumirma sa isang affidavit.
Ayon kay Grijaldo, noong October 22 pinapirma umano siya sa isang affidavit na sumusuporta sa pahayag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ukol sa umano’y insentibo na binibigay sa anti-drug operations.
Inihayag pa ng opisyal sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, na dinaluhan ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte, na pakiramdam niya ay “corrupted to make that statement” sa ilalim ng pressure mula sa mga mambabatas.
Sinabi ni Fernandez na ang pahayag ni Grijaldo ay “lies of the highest level” at isang pagtatangka na papanghinain ang ginagawang imbestigasyon ng quadcom sa alegasyon ng extrajudicial killings sa anti-drug campaign ng dating administasyon.
Iginiit nito na hindi pinilit ng komite si Grijaldo na suportahan ang anumang pahayag at ang ginagawang imbetigasyon ay bahagi ng mas malawak na pagtatangka na makakuha ng hustisya sa libong buhay na nawala sa ilalim ng kampanya laban sa iligal na droga.
“Lies ‘yan. Pinatawag siya [Grijaldo] because the lawyer of Col. Garma told us na may alam siya sa reward system. We never asked him to sign any affidavit. This is their way to discredit the Quad Committee, but the truth will bail us out. Nothing will prevent us from pursuing justice for all the lives lost,” ani Fernandez.
Paliwanag ni Fernandez na mismong si Garma ang nagsuwestiyon kay Grijaldo sa paniniwalang may alam ito sa umano’y reward system.
Itinanggi rin ni Abante ang alegasyon ng pamimilit kasabay nang pagtuligsa sa pagiging biased ng pagdinig ng senado.
“There is no truth to the accusations that I forced anyone to sign any affidavit in exchange for favors or the possibility of promotions,” pahayag ni Abante, chairman ng House Committee on Human Rights. (Vina de Guzman)
-
Maharlika Fund lusot na sa Senado
LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukala para sa pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa botong 19-2-1, ipinasa ng Senado ang Senate Bill No. 2020 o Maharlika Investment Fund Act of 2023. Sina Senate Minority Leader Aquilino […]
-
‘Di makapaniwala na kasama sa sitcom ni Vic: BRUCE, tanggap ang pagkabuwag ng loveteam nila ni ALTHEA
“YUNG role ko dito si Doe, si Doe ay isang dedicated na tao. “Pinalaki siya sa kalye so binigyan siya ng opportunity ni Ninong Spark which is played by Jose Manalo na magkatrabaho which is delivery driver. “Tapos nung nalaman ni Doe na may isa pang delivery driver na si Fred […]
-
Kaligtasan, isinasaalang-alang ng mga Filipino sa COVID-19 vaccine
Pangunahing isinasaalang-alang ng mga Filipino ang kaligtasan mula sa epektong dulot ng pagpapabakuna laban sa coronavirus disease. Ito’y ayon sa huling pag-aaral na isinagawa ng Veritas Truth Survey sa may 1,200-respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng text at online data gathering noong January 4-22. Batay sa resulta ng V-T-S, 67-porsiyento […]