• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lillard pumukol ng 11 tres sa panalo ng Blazers

PORTLAND, Ore. — Dinuplika ni Damian Lillard ang sarili niyang  franchise record na 11 three-pointers at tumapos na may 38 points para pamunuan ang Trail Blazers sa 133-112 dominasyon sa Minnesota Timberwolves.

 

 

Kumonekta si Lillard ng matinding 11-for-17 shoo-ting sa 3-point range at hindi na naglaro sa fourth quarter para sa Portland (15-12) na nagposte ng 27-point lead kontra sa Minnesota (13-14).

 

 

Nagdagdag si Jerami Grant ng 24 points habang humakot si center Jusuf Nurkic ng 14 points at 16 rebounds para sa Blazers.

 

 

Umiskor naman si guard D’Angelo Russell ng 23 points sa panig ng Timberwolves at tumipa si slotman Rudy Gobert ng 20 rebounds at 16 points.

 

 

Nagsalpak si Lillard ng walong tres para sa kanyang 27 points sa pagtatala ng 70-59 halftime lead ng Portland sa Minnesota.

 

 

Pinantayan niya ang kanyang team record na 11 tres sa 5:45 minuto ng third quarter para sa 88-70 pagbaon ng Blazers sa Timberwolves.

 

 

Sa Indianapolis, humakot si center Bam Adebayo ng 22 points at 17 rebounds at umiskor si Jimmy Butler ng pitong sunod na puntos sa dulo ng fourth quarter para akayin ang Miami Heat (13-15) sa 87-82 pagdaig sa Indiana Pacers (14-14).

 

 

Sa Los Angeles, kuma­mada si Paul George ng 26 points at may 25 markers si Kawhi Leonard para ihatid ang Los Angeles Clippers (16-13) sa 113-93 pagsapaw sa NBA-leading na Boston Celtics (21-7).

 

 

Sa Dallas, nagsumite si Luka Doncic ng 38 points at 11 rebounds sa 121-114 pag­­gupo ng Mavericks (14-13) sa Oklahoma City Thunder (11-16).

 

 

Sa Portland, dinuplika ni Damian Lillard ang kanyang franchise record na 11 tri­ples at tumapos na may 38 points sa 133-112 pagdaig ng Trail Blazers (15-12) sa Minnesota Timberwolves (13-14).

 

 

Sa Memphis, naglista si Tyus Jones ng 22 points at 11 assists at may 18 markers si Dillon Brooks sa 128-103 demolisyon ng Grizzlies (18-9) sa Atlanta Hawks (14-14). (CARD)

Other News
  • Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam

    Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng  gabi.     Kinilala nina PNP chief,  General Guillermo Eleazar  ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan  at Jayvee De Guzman o […]

  • Philippine Sports Commission at National Collegiate Athletic Association , nakipagpulong sa opisyales ng Samahang Basketbol ng Pilipinas tungkol sa isyu ni John Amores

    Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kinatawan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), para talakayin ang mga isyung bumabalot sa Jose Rizal University player na si John Amores.   Sa isang pahayag, inilarawan ito ng Phil. Sports Commission bilang isang “coordination meeting” habang patuloy na tinitingnan ng fact-finding […]

  • Uka-uka at napaikli ang bangs: MARIS, tinawanan ng netizens dahil sa video na iyak nang iyak

    TINAWANAN ng mga netizens si Maris Racal na ibinidyo ang sarili na iyak nang iyak dahil sa kanyang bagong gupit na bangs. Makikita na napaikli ang gupit ng kanyang bangs at uka-uka ito na talaga namang ang sagwang tingnan. Super cry talaga si Maris na sa simula ay hindi mo maiisip na dahil sa kanyang […]