• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lim, iba pa 5 magti-training sa Turkey mula Peb. 23-Mayo 15

LALABAS ang national karate team ng Philippines Sports Commission (PSC)-Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna sa paglipad sa Istanbul, Turkey sa Pebrero 22 upang doon ipagpatuloy ang kampo para sa Olympic Qualifying Tournament (OFT) sa Paris, France sa Hulyo 11-13.

 

 

Napag-alaman ng pahayagang ito kahapon kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim, na inurong ang Portugal Premier League sa Marso 12-14 buhat sa Peb. 14 sanhi nang pagsirit ng Coronavirus Diosease 2019 kaya sa Istanbul muna lalapag ang mga karatista.

 

 

Nasa Calambubble buhat pa noong Enero 15 sina Philippine 2019 Southeast Asian Games women’s kumite +61-kilogram champion Jaimie Christine Lim, Sharif Afif, Alvin Bagtican at Ivan Agustin.

 

 

Susunod na lang sa kanila sa Turkey camp na aabutin ng Mayo 15 sina Fil-Am Joane Orbon na manggagaling sa Estados Unidos, at Fil-Japanese Junna Tsukii na nasa Japan.

 

 

Kung pumasa sa OQT, susulong sila sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na iniatras ng Hulyo 23-Agosto 8 sanhi rin ng pandemya. (REC)

Other News
  • Matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer: Ama ni LIZA na si ex-DILG undersecretary Martin Diño, pumanaw na

    PUMANAW na kahapon, ika-8 ng Agosto, ang 66 year-old father ni Liza Diño-Seguerra na si former Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Dino matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer.     Sa kanyang FB post, kinumpirma ng former chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang malungkot na balita.   […]

  • ‘Wag choosy sa bakuna – Malacañang

    Hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan pero hindi maaaring maging pihikan sa mga babakunahan.   “Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman […]

  • TV5, pinagsusumite ng clearance para makakuha ng ‘go signal” ng NTC

    DAPAT munang magsumite ang  TV5 Network Inc. ng   clearance mula sa iba’t ibang  national government agencies at local government units bago aprubahan ng National Telecommunications Commission (NTC)  ang investment agreement nito sa ABS-CBN Corp.     Sa isinagawang pagdinig sa House committees on legislative franchises and trade and industry, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, […]