• January 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lim, iba pang karatekas gagawin lahat para makapasok sa Tokyo Olympics

Para kay national karateka Jamie Lim, ito na ang pinakahuling tsansa niyang makapaglaro sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan.

 

Kaya naman lahat ay kanyang gagawin para manalo sa lalahukang Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris.

 

“Everyone wants to be part of the Olympics, and this is really the last shot,” wika ng 22-anyos na si Lim na inangkin ang gold medal sa women’s kumite individual +61kg event ng 2019 Southeast Asian Games.

 

“I’m gonna do everything I can. I’ll do my best and hope for the best.”

 

Isa lamang ang anak ni PBA legend Samboy Lim sa mga national athletes na papasok sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

Makakasama ng eight-member national karatedo team sa ‘Calambubble’ ang 27-member boxing squad pinamumunuan nina 2021 Tokyo Olympics-bound Irish Magno at 2019 Wo­men’s World Championship gold medalist Nesthy Petecio, at ang five-member taekwondo squad.

 

Dalawa hanggang tatlong buwan ang itatagal ng nasabing ‘bubble’ para sa tatlong national squads na naghahanda sa Olympic qualifying.

 

Maliban kay Lim, papasok din sa ‘Calambubble’ sina 2019 SEA Games gold medal winner Junna Tsukii, Joan Orbon at limang iba pang national karatekas na naghahangad ng Olympic berth.

 

Tatlong karatekas sa bawat weight division ang papasok sa main tournament ng 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Other News
  • Original Japanese and English-Dubbed Versions of ‘The Boy and The Heron’ available in PH cinemas, Fan Screening Event on January 6

    FANS who are eagerly awaiting Studio Ghibli and Hayao Miyazaki’s ‘The Boy and The Heron’ are in for a thrilling experience at the cinemas as Encore Films (Ph) and Warner Bros. bring the original Japanese and English-dubbed versions to local screens nationwide. The film has been nominated and also won in prestigious film awards circles. […]

  • Most wanted person, nasilo sa Valenzuela

    ISANG 57-anyos na mister na listed bilang most wanted ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Primitivo Sardoma, 57 ng No. 59 B. Elysian Subdivision, Brgy. Marulas.     Sa ulat ni […]

  • ‘Mass layoffs’ ibinabala ng gov’t workers sa planong streamlining ng DBM

    PINALAGAN ng isang grupo ng mga empleyado ng gobyerno ang planong “streamlining” ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagay na magdudulot daw ng malawakang kawalang trabaho.     Miyerkules nang sabihin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na makakatipid ang gobyerno ng P14.8 bilyon kada taon kung magtatanggal ng 5% ng workforce nito sa ngalan […]