LIMA KATAO INARESTO SA ABORTION
- Published on May 10, 2021
- by @peoplesbalita
LIMANG katao ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-oopera sa isang abortion clinic sa Cebu City.
Kinilala ang mga naaresto ni NBI OIC – Director Eric B. Distor na sina Joey Paulino Guirigay ; Francisca Abatayo Rebamonte; Gloria Dalogdog Gabuti; Meryteissie Pode Rural at Amparo Lumagbas Gemarangan.
Ayon kay Distor nakatanggap ang ahensya ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad ng isa sa suspek na si Guirigay.
Nagsimula ang impormasyon mula sa isang complainant sa umano’y paglabag sa RA 9262 at Rape.
Ayon sa complainant, nag-aalok umano si Guirigay ng kanyang serbisyo na abortion sa kanyang mga kliyente sa pamamagitan online gamit ang facebook account @Michelle Mayer kapalit ng P9,500 hanggang P30,000.
Agad namang nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng NBI-Central Eastern Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) kay Guirigay sa kanyang cellphone para makipagtransaksyon .
Tineks umano ni Guirigay ang poseur-client na dalawa ang kanyang pagpipiliin upang maalis ang kanyang ipinagbubuntis.
Una ay Suction Abortion na ginagawa ng OB Gyne doctors na lisensyado sa isang pribadong klinika na nagkakahalaga ng P30,000 at ang pangalawang option ay abortive pills na halagang P9,500 per kit na ligtas at epektibo.
Nagkasundo si Guirigay at poseur-client na magkita sa Chong Hospital Fuente Osmeña .
Pero si Rebamonte ang sumundo sa poseur-client kasama ang undervocer agent at inihatid kay Gemarangan sa Talisay City na palihim naman silang sinundan ng operatiba ng NBI.
Habang kinukumpleto ni Gemarangan ang paunang interview sa poseur-client ay nanghihingi na ng bayad si Rebamonte na halagang P30,000.00 para sa abortion service.
Nang mahawakan na ang kabayaran at isasagawa na ang abortion, agad nang kumilos ang NBI at inaresto ang mga suspek.
Nang malaman ng NBI na may gagawin pang abortion ang ibang grupo ni Guirigay sa A. Lopez, Brgy. Labangon, Cebu City , agad na tumulak ang NBI sa lugar kung saan naaresto naman sina Gabutin at Rural.
Habang si Guiriga ay naaresto sa iharap ng isang hotel.
Kinasuhan sa Talisay City Prosecutor’s Office ng Intentional Abortion ang limang suspek.(GENE ADSUARA)
-
MMDA: Pasig River ferry muling nag operate ng short trips
MULING nag operasyon ang Pasig River ferry subalit short distrance trips lamang pagkatapos maalis at matangal ang ibang water hyacinths sa nasabing ilog. Ang ferry service ay mayron short distance trips mula Pinagbuhatan sa Pasig hanggang Sta. Ana sa Manila. Sa isang nakaraang statement, sinabi ng MMDA na hinto muna ang serbisyo hanggang […]
-
China, nakikipag-ugnayan at tulungan sa mga ahensiya ng PIlipinas na iniimbestigahan ang 2 tsino na nahulihan ng baril
PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Chinese Embassy sa Pilipinas sa Philippine enforcement agencies kaugnay sa kamakailan lamang na pag-aresto sa dalawang Chinese national na nahulihan ng baril sa isang subdivision sa Pasig City. Pinabulaanan naman ni Chinese Ambassador Huang Xilian na naglagay ang China ng clandestine forces sa Pilipinas at ang mga suspek ay kabilang sa […]
-
COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI
INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine. Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH). Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH upang magamit sa HOPE Facilities at health centers. Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang […]