• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LIVELIHOOD ASSISTANCE SA MGA NAVOTEÑOS

UMABOT sa 673 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang P1,000 cash aid sa unang araw ng payout ng pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng livelihood assistance sa ilalim ng Navo-Ahon Ayuda program.

 

 

Kabilang dito ang 38 jobseekers na nagtapos noong 2020-2021; 339 displaced workers; 25 delivery rider; 65 jeepney drivers; anim na local cooperatives; 38 na may-ari ng mga establisyimento na sarado at hindi pinapayagang mag-operate sa panahon ng heightened quarantine restrictions; at 162 bagong negosyante.

 

 

“As COVID-19 cases dwindle, our economy also continues to open up. However, many Navoteños still reel from the effects of the pandemic,” ani Mayor Tiangco.

 

 

Ang pamamahagi ng Navo-Ahon Ayuda ay naka-eskedyul hanggang March 23 para ligtas na mapaunlakan at mapagsilbihan ang 11,730 pang beneficiaries kung saan 1,772  dito ang mga tricycle at pedicab driver habang 9,958 ang rehistradong fisherfolk.

 

 

Ang Navo-Ahon Ayuda ay parte ng isang serye ng pandemic recovery programs na ang pamahalaang lungsod ay pumila para sa Navotenos.

 

 

Nauna rito, nagbigay ang Navotas ng tax amnesty sa mga indibidwal at negosyo sa pamamagitan ng General Pandemic Amnesty Program at nagbigay ng mga diskwento sa mga on-time taxpayers sa ilalim ng Pandemic Recovery Assistance Program.

 

 

Nangako rin ang pamahalaang lungsod na sasagutin ang P3,000 deficit ng DSWD para sa 4,820 qualified family-beneficiaries ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program 2nd tranche. (Richard Mesa)

Other News
  • Anytime ay isisilang na ang first baby nila ni Greg: ANGELICA, ‘di na makapaghintay na maibigay ang regalo sa kanyang ‘rare one’

    MASAYA talaga ang actress na si Angelica Panganiban ngayon. Nakikita ito sa aura niya at iba rin ang mababakas na contentment sa kanya.   Kaarawan ng kanyang partner, ang ama ng magiging anak niya na si Greg Homan. Obviously, naging malapit na rin talaga kay Greg ang mga kaibigan ni Angelica tulad ng very close […]

  • DOLE, mag-aalok ng 10-day cash-for work para sa mga indibidwal apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal

    MAG-AALOK ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng sampung araw na trabaho bilang tulong para sa libu-lubng indibidwal na apektado matapos ang pag-alburuto ng bulkan.     Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kikita ng P4,000 ang kada manggagawa para sa 10 araw na trabaho dahil ang minimum na sahod sa region 4 […]

  • Black tamang sundan ang ama

    MUKHANG hindi nagkamali si Aaron Black na sundan ang kanyang ama na maging basketball player din.   Tila naging pamantayan ng anak ni Meralco Bolts coach Norman Black, na lahat ng mga baguhan may pagkakataong ipakita ang husay magtiyaga’t magsipag lang, may mararating din ura-urada.   Tinanghal si Aaron na pinakamababang pick, second round, 18th […]