Liza, pinaniniwalaan ni Herbert sa mga adbokasiya niya
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
KAHIT ang dating Mayor ng Quezon City at actor na si Herbert Bautista ay nagbigay ng kanyang pahayag sa ginagawang red tagging kay Liza Soberano.
Sa pamamagitan ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ay ipinaabot nito ang kanyang saloobin sa nangyayari.
Dahil hindi ma-socmed si Herbert kaya pinaabot na lang niya.
Ayon dito, “My take on Liza’s advocacies:
There are a lot of instances nagkaka-kwentuhan kami ni Liza sa set ng ‘Make It With You.’ Mabait ang “anak” ko na yan. Maganda ang prinsipyo at disiplina sa buhay.
“I believe in Liza’s advocacies (VAWC, environment, animal rights, etc.). She is aware of her rights and responsibilities in our country and as a global citizen.”
Maging si Ogie ay nilinaw kung bakit nasa webinar ng Gabriela si Liza. Hindi siya kasapi o miyembro kung hindi bilang isang guest.
Aniya, “Nag-guest lang po sa webinar ng Gabriela Youth si Liza Soberano. Hindi po siya miyembro ng Gabriela o ng kahit anong partido o partylist.
“Nagsasalita lang po siya bilang babae at kabataan, dahil kilala siya sa kanyang advocacy. Wala naman pong masamang sinabi si Liza patungkol sa mga karapatan ng kababaihan at ng kabataan sa webinar na ‘yon.
“Saan pong organisasyon dapat magsalita si Liza na bagay pag-usapan ang tungkol sa women’s and children’s rights na kikilalanin at paiigtingin ang karapatan ng mga babae at mga bata na hindi po siya mare- redtag?” (ROSE GARCIA)
-
Pilipinas handa sa hosting ng East Asia Baseball Cup
TINIYAK ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na magkakaroon ng malalakas na manlalaro ang bansa dahil sa napili itong maging host ng 14th East Asia Basetball Cup. Gaganapin ang nasabing torneo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 sa Clark, Pampanga. Ayon kay Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga, na isang kakaibang […]
-
SA 45th SEASON: 1 PBA TEAM, ‘SIKRETONG’ FOR SALE
MAAARING magkaroon ng isang independiyenteng koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) kapag natuloy ang negosasyon ng isang malaking kampanya na matagal nang atat na makatuntong sa unang propesyonal na liga sa Asya at sa bansa. Hindi lantaran ang posibleng pagbebenta sa isang prangkisa sa liga dahil lahat halos ng mga koponan ay patuloy ang […]
-
Bersamina gold sa Asian chess board 3
PINANGIBABAWAN ni International Master Paulo Bersamina ang impresibong ipinakita ng Pilipinas sa individual board awards sa patuloy ding ginaganap na Asian Nations Online Chess Cup nang makasakote ng gold medal sa board three. Umiskor ang 22 taong-gulang na Pinoy woodpusher ng 7.0 points sa likod ng six wins at two draws at loss sa […]