• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Los Angeles Lakers eliminated na sa NBA playoffs matapos pahiyain ng Phoenix Suns

TULUYANG  naitsapuwersa sa play-in tournament ng NBA ang Los Angeles Lakers matapos na pahiyain ng Phoenix Suns, 121-110.

 

 

Para naman sa Suns napatibay pa ang hawak nitong record bilang best team sa liga nang maiposte ang ika-63 nilang panalo ngayong season.

 

 

Hindi pa rin kinaya ng Lakers na mapigilan si Devin Booker na nagpakawala ng 32 points, lalo na at hindi nakapaglaro ang kanilang superstar na si LeBron James.

 

 

Lumayo na rin ang agwat ng Suns sa pitong panalo mula sa number two na Memphis Grizzlies, bilang second-most wins sa NBA.

 

 

Noong unang bahagi ng laro ay dikitan pa ang laban pero sa huli ay hindi na napigilan pa ang Suns hanggang sa magbunyi sa malaking milestone sa kanilang prangkisa.

 

 

Para sa Los Angeles (31-48) masaklap ang pagkatalo dahil ito na ang ikapito nilang sunod-sunod na talo.

 

 

Nasayang din ang ginawa ni Russell Westbrook na tumipon ng 28 points, habang si Anthony Davis ay nagdagdag ng 21 points at 13 rebounds.

 

 

Labis namang ikinalungkot ni Lakers coach Frank Vogel ang sinapit ng kanilang koponan.

 

 

“We fell short,” ni Vogel. “We were eliminated tonight.”

 

 

Kung tutuusin ay nasa limang mga future Hall of Famers ang nasa lineup ng Lakers pero bigo ang mga ito na dalhin ang team sa playoffs na kinabibilangan nina James, Davis, Westbrook, Carmelo Anthony at Dwight Howard.

Other News
  • COMMUNITY QUARANTINE IPATUTUPAD SA BUONG METRO MANILA

    INIANUNSYO kagabi , Marso 12 ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinaas na sa Code Red Sub-Level 2 ang Code Alert System sa buong bansa kaugnay sa COVID-19.   Sa kanyang public address matapos ang Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacañang, inaprubahan at binasa ng Pangulo ang reso-lusyon na community quarantine […]

  • Pangarap ni Jerusalem natupad

    Pinangarap ni world boxing champion Melvin Jerusalem na lumaban sa harap ng kanyang mga kababayan.       At ngayong natupad na ito ay hindi sasayangin ng World Boxing Council (WBC) minimumweight king ang pagkakataon.     “Kasi pangarap kong maka-depensa dito sa Pilipinas, kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon,” sabi ni Jerusalem sa […]

  • Pagtatalaga sa pangulo ng CBCP bilang Cardinal ay pagsasabuhay ng simbahang Sinodal- De Villa

    NANINIWALA ang dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ang pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ay isang ganap na pagsasabuhay sa pagkakaroon ng Simbahang sinodal.     Ayon kay former Ambassador to the Holy See Henrietta De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David bilang […]