• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LOVI, balitang pinigilan ng GMA Network sa paglipat ng ABS-CBN

KASALUKUYAN pang nasa USA si Kapuso actress Lovi Poe dahil natapos na nila ng cast ng romantic-comedy series na Owe My Love, kasama niya sina Benjamin Alves, Ai Ai delas Alas, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez, Nova Villa at marami pang iba. 

 

 

Kaya virtual lamang ang interview sa kanya tungkol sa balitang lilipat daw siya ng kabilang network.

 

 

Nauna nang sumagot ang manager niyang si Leo Dominguez, na may contract pa si Lovi sa GMA Network hanggang end of May, na matatapos na rin ang airing ng kanyang romcom.

 

 

“Ayaw ko pang magsalita, saka na lamang kapag ayos na ang lahat,” wika ni Lovi.

 

 

May balita rin kasing pinigilan daw ng GMA Network ang paglipat ni Lovi.

 

 

***

 

 

VERY successful ang sweet surprise na ibinigay nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera sa mga fans nila all over the world.

 

 

Ito ay nang tuparin ng GMA Pinoy TV ang wish nilang makita ang mag-asawang Dingdong at Marian in a virtual event titled: “Pinoy Abroad Fun Connect: DongYan #StrongerTogether” na nakipag-interact sila sa mga Pinoys sa pamamagitan ng live video conference at 11:00AM (PH time), hosted by Boobay. 

 

 

At dahil May is dedicated to celebrate Mother’s Day, para sa kanilang mga fans, ipalalabas tuwing Saturday, nagsimula na last Saturday, May 1, sa GMA Pinoy TV ang mga blockbuster movies ni Marian, like ng Panday 2,  One True Love, Super Inday and the Golden Bibe and My Lady Boss with Dingdong.

 

 

May re-run din ang well-loved DongYan series na Endless Love adapted from the K-drama series na Autumn In My Heart, na magsisimula sa June.

 

 

***

 

 

GALIT na galit na ang netizens kay Carmina Villarroel, na sumusubaybay sa GMA Afternoon Prime drama series na Babawiin Ko Ang Lahat, dahil sa kasamaan ng character na pinu-portray ng aktres bilang si Dulce.

 

 

First time ito ni Carmina na tumanggap ng kontrabida role at hindi naman nagkamali ang GMA Network na pinili siya for the role.

 

 

Comment ni @karjon_is_love, gusto niyang mamatay si Dulce, triple dead daw, kasama pa ang ilang bad words.   Galit man si neil_rm_rn “Dulce!!! Napaka…you are so mean…bad…wicked… Carmina V, galing-galing ng role mo!!! Effective!”

 

 

At dito naman hihingin ng netizens ang tapang ni Pauline Mendoza, as Iris, anak nina John Estrada at Tanya Garcia.

 

 

Tinanggap naman ni Pauline ang hamon, sagot niya: “Doon na po mag-start ang labanan namin ng mag-inang Dulce at Trina (Liezl Lopez), at kung paano ko mababawi ang daddy ko at lahat ng inangkin nila sa amin.”

 

 

Nasa last three weeks na lamang ang Babawiin Ko Ang Lahat na napapanood at 3:20PM, araw-araw sa GMA-7.

 

 

***

 

 

SA dalawang primetime series napapanood ngayon si Sanya Lopez sa GMA Network.

 

 

Mondays to Fridays, after 24 Oras, ang high rating romantic-comedy series na First Yaya katambal si Gabby Concepcion, at tuwing Saturday, na nagsimula na last May 1, sa Agimat ng Agila katambal ang nagbabalik-acting na si Ramon “Bong” Revilla Jr.

 

 

Kung sweet at masayahing Yaya Melody si Sanya sa First Yaya, isang masungit namang si Maya si Sanya sa Agimat ng Agila.

 

 

Ang hinihintay ngayon ng netizens ay ang pinag-uusapan nang kissing scene ni Sanya sa kanyang dalawang leading men.  (NORA V. CALDERON)

Other News
  • P3.5M, kotse taya sa Pearl Cup finals

    PAGKALIPAS ng mga eliminasyon sa probinsiya, lalargahan na ang LDI Pearl Cup 5-Cock Derby grand finals sa Pebrero 19 sa malamig na San Juan Coliseum.   Humila ng entries ang pasabong na ito ng Lakpue Drug Inc. (LD1) sanhi nang mababang entry fee na P3,300, pero garantisado ang P1.35M cash prizes hiwalay pa ang at […]

  • NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI

    NAGSASAGAWA ng monitoring ang  National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang  pekeng  Covid-19 vaccines sa bansa.   Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA).   […]

  • LALAKI ARESTADO SA PAGBEBENTA NG BARIL

    ARESTADO  ang isang lalaki na nagbebenta ng baril sa ikinasang gun bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kagabi sa Tondo, Maynila .     Kinilala ang suspek na si Mark Oliver  Buenaventura , alyas Mico, 21, binata  ng  1987 Almeda St. Brgy 226 Zone 21, Tondo, Manila.     Kilala rin […]