• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRTA: Wala munang fare hike sa LRT 1 & 2

KAHIT pumayag na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon ng fare hike sa Light Transit Lines 1 & 2 ay wala pa rin mangyayaring pagtataas ng pamasahe.

 

 

Ang nasabing desisyon ng LTFRB ay hindi pa final dahil wala pang approval mula sa board ng Light Rail Transit Authority (LRTA). Ito ang klaripikasyon na sinabi ng LRTA noong nakaraang linggo.

 

 

Sa ngayon ay mananatiling P1 kada kilometro at P11 ang boarding fare sa LRT 1 & 2. Habang ang boarding fee ng single-journey sa LRT 1 & 2 ay mananatiling P15. Ang stored-value tickets ay mananatiling P11 ang base fare.Magkakaroon naman ng increase na mula P20 hanggang P30 ang single journey ticket depende sa haba ng distansya kapag naipatupad na ang fare hike.

 

 

Ang mungkahi ng LTFRB ay magkaroon ng adjustment sa boarding rate na P2.29 at P0.21 kada kilometro o may kabuuang P13.29 sa pamasahe ng nasabing dalawang rail lines.

 

 

“The proposal to increase fares would go through the usual procedure of conducting public hearings and getting the board’s approval. The LTFRB approved the fare hike petition in its capacity as a member of the board. Its not final as it would go to the proper process. The approval of LTFRB on the subject of fare increase is in the nature of agency being a member of LRTA board, and not in the nature of a regulatory body. The LTFRB is just one of the nine members of the LRTA board of directors,” wika ng LRTA.

 

 

Ang LRTA board ay binubuo ng miyembro mula sa kalihim ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at National Economic Development Authority (NEDA). Kasama rin ang LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Mayron din 2 appointed directors mula LRTA at pribadong  sektor.

 

 

Taong 2015 pa pinatupad ang boarding fare na P11 at distance fare na P1 para sa LRT 1 & 2.

 

 

Ayon sa LRTA na kanilang sinusulong ang pagtataas ng pamasahe upang mabigyan ng karagdagang pondo ang operasyon at maintenance ng LRT 1 & 2.

 

 

Noong nakaraang taon, ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala sa operasyon ng LRT 1 sa ilalim ng regulasyon ng LRTA, ay naghain ng arbitration case laban sa pamahalaan.

 

 

“The Pangilinan-led firm wants to get at least P2.67 billion in compensation, resulting from the delays in fare adjustments it sought in 2016, 2018 and 2020,” dagdag ng LRTA.

 

Ayon sa LRMC ay kanilang ipatutupad ang fare hike na papayagan ng mga government regulators.

 

 

Binatikos naman ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang desisyon ng LTFRB. Ayon sa kanila ay walang nangyaring pagdinig at kunsultasyon sa pagitan ng publiko at pamahalaan bago aprubahan ng LTFRB ang fare increase. LASACMAR

Other News
  • Pinas, handa na sa pagtanggap ng mga fully vaxxed foreign tourists-DOT

    HANDA na ang Pilipinas na tumanggap ng mga fully vaccinated international travelers simula sa Pebrero 10, 2022.     Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na naghahanda na ang sektor para sa kaganapang ito simula nang isara ang mga borders noong 2020.     Dalawang taon sa pandemya, sinabi ni Puyat na karamihan sa mga […]

  • Plaka sa mga sasakyan, paubos na rin – LTO

    MATAPOS  na sumingaw ang problema sa kawalan ng plastic driver’s license ng mga motorista, inamin din kahapon ng Land Transportation Office (LTO) na paubos na rin ang plaka ng mga sasakyan na maibibigay sa mga motorista.     Ayon sa LTO, ubos na ang plaka para sa mga motorsiklo sa buwan ng Hunyo at ubos […]

  • Ads February 8, 2021