LTFRB: 7,870 slots binuksan para sa TNVS
- Published on May 5, 2022
- by @peoplesbalita
Binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit na libong karagadagan slots para sa transport network vehicle service (TNVS).
Naglaan ng 7,879 slots ang LTFRB para sa karagdagan slots ng TNVS upang lumakas ang operasyon ng TNVS at ng mabiyan ng tamang serbisyo ang mga pasahero.
“We opened 7,870 slots for accredited transport network companies (TNC) such as Grab, Angkas and Joyride,” wika ng LTFRB.
May 7,000 na bagong slots ang binuksan at inilaan sa Metro Manila, 230 slots sa Central Luzon, 500 naman sa Bicol at 150 sa Western Visayas.
Ang mga interesadong kumpanya sa Metro Manila ay maaaring mag fill up ng registration form sa website ng LTFRB at social media pages nito. Bibigyan sila ng kaukulang reference number at e-mail confirmation tungkol sa oras at petsa ng kanilang pagrehistro sa central office ng LTFRB sa Quezon City.
Samantalang, ang mga aplikante sa Central Luzon, Bicol at Western Visayas ay puwede naman mag fill up ng kanilang application form sa mga regional offices ng LTFRB. Ang mga nasabing slots ay ibibigay ng first-come, first-serve basis lamang.
Ang mga aplikante ay kinakailangan na mag file ng formal offer ng evidence limang (5) araw bago ang nakatakdang araw ng hearing na may nakaakibat na mga dokumento na nagpapatunay ng existence ng garage at financial capability at may 5R photograph ng bawat unit na gagawing TNVS. Kailangan din ang registration sa Department of Trade and Industry (DTI), certificate ng rehistro sa Bureau of Interna Revenue o ebidensiya ng filing. Kinakailangan din na mag submit ng certificate ng accreditation mula sa accredited na TNC at clearances mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ng kanilang authorized driver.
“They also need to include an affidavit of publication, copies of the publication and an affidavit of attestation of the documents they would file,” dagdag ng LTFRB.
Ginawa ng LTFRB ang hakbang na ito matapos na humiling ang ridehailing platform na Grab sa LTFRB na magbukas ng panibagong slots para sa TNVS units upang mabawasan ang kakulangan ng mga sasakyan.
Noong June 2019, ang LTFRB ay nagbukas ng 10,000 na bagong slots para sa mga TNVs. LASACMAR
-
Sen. Imee Marcos, mas piniling mag-isa kahit inindorso ng partido ni PBBM
NAGPAHIWATIG na ng pagkalas sa alyansa si Sen. Imee Marcos, ilang araw lamang matapos itong i-indorso ng partido ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang sa alyansang ito ang Nacionalista Party, Lakas CMD, NPC at iba pa. Sa kaniyang video message, sinabi ni Sen. Marcos na bagama’t nagpapasalamat […]
-
Bona, Salome at Ma’ Rosa, pinagsama-sama sa ‘Pieta’… ALFRED, natupad na ang pangarap na makasama sina NORA, GINA at JACLYN
LAST week ipinasilip na ni QC Councilor Alfred Vargas sa kanyang Instagram at Twitter post ang character na ginagampanan niya sa ‘PIETA’ na kanyang ipo-produce at mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. Caption ng aktor, “A first glimpse of ISAAC, recently released from jail after decades of painful incarceration. Denied of justice for […]
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagsagawa ng sportsfest para sa mga PDL
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na palawigin ang rehabilitation programs para sa persons deprived of liberty (PDLs), pinangunahan ng Provincial Civil Security and Jail Management Office sa pamumuno ni PCOL. Rizalino A. Andaya ang Bulacan Provincial Jail Sportsfest 2024 na may temang ‘Programang Pampalakasan, Tungo sa Malusog […]