LTFRB, ‘di pinagbigyan ang hiling ng ilang transport group na dagdagan ng piso ang minimum fare
- Published on March 21, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pinagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng ilang grupo ng mga tsuper at operator ng jeepney na dagdagan ng piso ang minimum fare sa mga pampublikong transportasyon.
Ito ay sa gitna pa rin ng walang humpay na pagsipa ng presyo sa produktong petrolyo sa bansa na itinuturong epekto ng lumalala pang sigalot ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nakasaad sa statement na inilabas ng LTFRB na hindi nito pahihintulutan ang naturang petisyon ng mga transport group na 1-Utak, Pasang Masda, ALDTODAP, ACTO, na dagdagan pa ang minimum na pasahe sa mga jeep.
Ibig sabihin nito ay mananatiling P9 ang halaga ng minimum fare sa unang apat na kilometro.
Paliwanag ng LTFRB, bagama’t kinikilala nito ang panawagan ng mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon ay hindi pa rin anila dapat na maging insensitive ang mga ito sa magiging kalagayan ng maraming Pilipino sa tuwing magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin na domino effect sa pagdadagdag ng pamasahe.
Kailangan din anila na isaalang-alang ang mga argumento ng National Economic Development Authority (NEDA) na ang pagpapasa ng pasanin sa mga consumer tulad ng pagtataas sa pamasahe ay magiging kabawasan sa purchasing power ng general public.
Magugunita na una rito ay sinabi na rin ng NEDA na ang anumang petisyon para sa fare adjustment ay mahalaga sa publiko dahil maaaring makaapekto ito sa mga presyo ng iba pang pangunahing bilihin at serbisyo.
Samantala, sa naturang pahayag ay binanggit din ng LTFRB ang iba pang remedyo ng administrasyon upang tugunan ang sunud-sunod na oil price hike tulad ng fuel subsidy program para sa transport sector.
Sa kabilang banda naman ay ang kasalukuyan pa ring naghihintay ang ilan pang transport group sa magiging desisyon ng nasabing ahensya hinggil naman sa hiwalay na petisyon na gawing P14 ang kasalukuyang P9 na minimum fare.
Gaganapin naman ang pagdinig ukol dito sa darating na Marso 22. (Daris Jose)
-
VENUS, nakahanap ng fulfillment sa pagsisilbi sa Panginoon kesa maging aktibo sa showbiz;
KAYA pala hindi masyadong nakikita si Venus Raj sa mga nakaraang pageant activities dahil abala ito sa pagtapos niya ng kurso sa OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics sa Oxford, England. Sa kanyang Instagram account, pinost ng former Miss Universe Philippines 2010 ang pag-graduate niya sa OCCA. “This journey at […]
-
COVID-19 cases sa Metro Manila, posibleng umakyat sa 60K kada araw – OCTA
Muling nagpalabas ng panibagong babala ang OCTA Research Group kahapon sa pagsasabing maaaring umabot sa 60,000 ang arawang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila lamang sa pagtatapos ng Setyembre. “Ang nakikita natin ay ‘yung active cases natin maaaring umabot ng 60,000. Baka 70,000 mataas na ‘yan,” ayon kay Dr. Guido […]
-
Customs umalerto vs bagong ‘swine flu’
Mahigpit na nakabantay ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga borders ng bansa upang maiwasang makapasok ang ang mga kontaminadong karne ng baboy kaugnay ng bagong strain ng swine flu virus. Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa lahat ng customs port officials na maging mapagbantay at masusing suriin ang mga dumarating […]