LTFRB: Magkakaroon ng “recalibration” sa PUVMP
- Published on January 24, 2024
- by @peoplesbalita
MAGKAKAROON ng “recalibration” sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan upang bigyan tuon ang mga problema at concerns ng mga nagrereklamong operators at drivers ng public utility jeepneyes (PUJs).
Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz sa isang hearing sa committee ng transportasyon ng mababang kapulungan.
Naglabas ng mga concerns at issues ang ibang jeepney drivers na nag comply sa consolidation policy ng LTFRB sa ilalim ng PUVMP.
Isang driver-operator ang nagsabing nawala ang kanyang pagmamay-ari ng kanyang units matapos na sumali sa kooperatiba. Ayon sa kanya, ang kooperatiba na ang may-ari ng kanyang mga units. Sa isang pagkakataon pa ay pinatawan sila ng carnapping charges. Sinabi niya na gumastos siya ng malaki upang mailipat lamang ang prangkisa sa kooperatiba. Sila rin ang nagbayad para sa pagtatayo ng garahe upang mag comply sa mga requirements ng LTFRB subalit wala ang pangalan nila sa korporasyon.
“They filed a carnapping case against us. There are four of us who were charged with carnapping, 38 counts of carnapping. The 44 units that were approved on our route were given to us and we are the ones who manage them,” wika ng isang driver-operator.
Humingi sila ng tulong sa LTFRB subalit sinabi ng ahensiya na wala silang magagawa dahil ito ay isang issue sa pagitan nila at ng kooperatiba.
Sa ilalim ng PUVMP, ang isang jeepney driver ay kinakailangan sumali sa kooperatiba upang magkaron ng approval ng kanilang provisional authority (PA) at kasunod nito ay upang mabigyan sila ng kanilang prangkisa.
“Based on the reports reaching us, there is a necessity to recalibrate or re-evaluate the processes or our agency, together with the Office of Transportation Cooperatives (OTC) who is managing these cooperatives. So, we will take a second look, a hard look, so that these issues will not recur,” saad ni Guadiz.
Sinabi naman ni House committee on transportation chairman Romeo Acop na sana ang LTFRB ay nagbigay ng extension ng deadline sa consolidation dahil sa mababang accomplishment sa rationalization ng mga ruta para sa mga modernized units.
“If you were given P5.5 billion for this program, this is all you will show? Ten percent for route rationalization? Seventy percent for consolidation? If you hadn’t threatened them, it wouldn’t have reached this percentage?,” wika ni Acop.
Ayon kay PISTON president Mody Floranda at No to Jeepney Phaseout Coalition convenor Elmer Foro sa nasabing pagdinig na napilitan lamang na lumahok ang iba dahil sa takot na hindi na sila makapagpatuloy na pumasada para sa kanilang pagkukunan ng kabuyahan.
Naghain naman si committee vice chair Dan Fernandez na magkaron ng isang resolusyon upang hikayatin si President Ferdinand Marcos na i-reconsider ang kanyang naunang desiyon na hindi na papayagan ang extension sa consolidation.
Samantala, sinabi naman ni House Speaker Martin Romualdez sa nasabing hearing din na may report siyang nakuha na ang LTFRB at Department of Transportation (DOTr) ay binibigyan ng pabor ang gawang China na sasakyan kapalit ang traditional Filipino jeepneys sa ilalim ng programa.
Subalit pinasungalingan ng LTFRB at DOTr ang nasabing akusasyon na binibigyan nilang pabor ang gawang China na mini-buses. Nilinaw ng dalawang ahensiya na hindi sila nagdidikta kung anong klaseng brand na modernized jeepneys ang kanilang kukunin.
Sinusugan naman ng dalawang kooperatiba sa Cebu ang sinabi ng LTFRB at DOTr na hindi sila involved sa seleksyon at pagbili ng modernized units sa ilalim ng PUVMP at hindi sila pinipilit na bumili ng imported units. Ang dalawang kooperatiba ay ang ang El Pardo Transport Cooperative at Federation of Cebu Transport Cooperatives.
Ayon sa kanila, ang kanilang biniling units ay mula sa manufacturers na nag comply sa specifications tulad ng size at design na naaayon sa Philippine National Standard (PNS) ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ang hinihingi lamang nila sa pamahalaan ay sana ay maging mababa ang taxes sa mga manufacturers upang ang mga sasakyan ay maibenta sa mababang presyo. Isa pa rin sa kanilang kahilingan ay kung maaaring itaas ang equity subsidy na binibigay ng pamahalaan sa mga kooperatiba sa pagbili ng bagong units na may financing program sa Development Bank of the Philippines (DBP) at Land Bank of the Philippines (LBP). LASACMAR
-
Ads January 9, 2024
-
Kiamco kampeon sa Behrman Memorial 9-Ball
Namayagpag si two-time Asian Games silver medalist Warren Kiamco sa 5th Annual Barry Behr-man Memorial Spring Open 9-Ball na ginanap sa Q Master Billiards sa Virginia, USA. Hindi nakaporma sa tikas ng Cebu City pride si Manny Chau ng Peru matapos itarak ang impresibong 11-5 desisyon sa championship round. Ito ang […]
-
Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumaba – OCTA
Bumaba ang average number ng bagong COVID-19 case sa National Capital Region ng 23% o 1,023 batay sa ulat ng OCTA Research group. Ang pagbaba ng kaso ay mula noong Mayo 20-26 na may average daily attack rate na 7.41. Una nang naiulat ng OCTA na ang NCR ay umalagwa na […]