LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET
- Published on April 23, 2022
- by @peoplesbalita
Sinumulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntang mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET).
Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
“Free rides would be provided by PUVs from the North Luzon Express Terminal going to Araneta Center in Cubao and from NLET going to the Paranaque Integrated Terminal Exchange,” wika ng LTFRB.
Magsisimula ang unang biyahe ng 1:00 ng umaga at matatapos ng 12:00 ng hatinggabi. Sinigurado ng LTFRB na maglalagay sila ng sufficient na bilang ng mga PUVs upang masiguro ang ligtas at walang problemang paglalakbay ng mga pasahero.
Kasama rin sa programa ang pagbibigay ng libreng sakay sa EDSA carousel at ibang ruta. Inaasahan na ang programa ay makakapagbigay ng serbisyo sa may mahigit na 93 million na pasahero.
Ating matatandaan na naputol ang nasabing programa subalit muling binalik nitong nakaraang linggo lamang upang makatulong sa mga PUV drivers at operators ngayon panahon ng pandemya.
“The Service Contracting Program also aims to provide financial support to transport service providers and workers through a performance-based payout system. Under the program, drivers and operators will be paid by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) based on the maximum based on the maximum trips made per week, with or without passengers and in compliance with the agreed-upon performance indicators,” dagdag ng LTFRB.
Ang programa ay may pondong P7 billion para sa Phase 3 ng Service Contracting kung saan ang Department of Budget and Management (DBM) ay naglaan ng pondo.
Sa ilalim din ng programa sa service contracting, ang PUV operators ay bibigyan ng one-time incentive na P5,000 kada unit bilang “pre-operating costs.” Habang ang operational incentives ay ibibigay kada linggo. Kasama dito ang mga gastos para sa fuel expenses, disinfection, at monthly amortization at iba pang overhead expenses kung saan ito ay babayaran din ng pamahalaan.
Ang programang ito ay inilungsad sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang tinatawag na “Bayanihan To Recover as One Act” kung saan ito ay naglalayon na magbigay ng pansamantalang kabuhayan sa mga mangagawa sa sektor ng transportasyon sa gitna ng pandemya.
“The latest implementation of the program was included in the General Appropriation Act (GAA) for the Fiscal Year 2022 and aims to ensure efficient and safe operations of PUVs, provide financial support to transport operators and workers, and sustain support to Filipino workers and commuters,” ayon pa rin sa LTFRB. LASACMAR
-
Salceda, hindi hihingin ang pagbibitiw ng Tourism secretary
ITO ANG tinuring ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) kasunod na rin sa mga panawagan na magbitiw sa puwesto si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco bunsod na rin sa naging kapalpakan sa launching ng bagong campaign video ng ahensiya. Sa halip aniya ay dapat pagtuunan ng pansin ang gagawing hakbang […]
-
Baha dulot ng Ulysses, iimbestigahan ng Kamara
Pinaiimbestigahan ng Kamara, bilang ayuda sa lehislasyon, ang dahilan ng malawakang pagbaha na nagpalubog sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses. Inihain nina Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, kasama si Minority Leader Joseph Stephen Paduano, ang House Resolution 1348 na nag-aatas sa kaukulang komite na agad na […]
-
Mayor Tiangco: Covid-free pa rin ang Navotas
SA kabila ng mga tsismis na naglipana online, tiniyak ni Mayor Toby Tiangco sa mga residente ng Navotas na wala pa ring kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID19) sa lungsod. Nilinaw ni Tiangco na ang lungsod ay may 13 na persons under monitoring (PUM) sa ngayon, 11 March, at lahat sila ay sumasailalim […]