• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB, nagbabala sa mga PUV driver na naniningil ng sobra sa sapat na pamasahe

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito.

 

 

Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong siya ay nagbakasyon dito sa Pilipinas noong nakaraang buwan.

 

 

Sa isang statement ay binigyang diin ng LTFRB na hindi nila kukunsitihin ang mga PUV driver na nanloloko sa kanilang mga pasahero mapa-dayuhan man o Pilipino.

 

 

Ayon pa sa ahensya, ang sinumang driver na mapapatunayang naniningil ng sobra sa tamang halaga ng pamasahe ay maaaring pagmultahin o kanselahin ang kanilang certificate of public convenience.

Other News
  • Pag-amin ni Duterte sa pananagutan sa mga pagpatay sa war on drugs, maaaring mag-trigger ng local, int’l prosecution – Abante

    NAGBABALA si Manila Representative Bienvenido Abante na ang pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs ay maaaring maging daan para sa lokal at internasyonal na pag-uusig.     Ginawa ni Duterte ang pahayag sa ginanap na pagdinig sa Senado at […]

  • Enrolled bill ng 2021 budget, inihahanda na para sa lagda ni Pangulong Duterte

    Inihahanda na ng Kongreso ang enrolled bill para sa 2021 national budget.   Ito’y makaraang makalusot na ang P4.5 trillion budget sa paghimay ng bicameral conference committee at naratipikahan na rin sa Kamara at Senado.   Ayon kay Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, ihahanda na nila ang lahat ng kinakailangan para maihatid […]

  • Jackie Chan, magsisilbing torchbearer sa nalalapit na pagbubukas ng Paralympics 2024

      MAGSISILBING isa sa mga torchbearer si Hong Kong-born martial arts actor Jackie Chan sa nalalapit na opening ceremony ng Paralympics sa Paris, France.       Ang 70 anyos na martial artist ay naatasang magbitbit sa Paralympic torch sa Paris at ipaparada ito ilang oras bago ang nakatakdang opening ceremony.     Unang sinindihan […]