LTFRB nagbukas ng 133 PUV routes
- Published on August 22, 2022
- by @peoplesbalita
MULING binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may 133 na ruta para sa mga public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila para sa pagbubukas ng klase ngayon Lunes.
“There are 68 routes for traditional and modern jeepneys, 32 for UV Express Service ang 33 non-EDSA bus routes in time for the opening of classes in Metro Manila,” wika ni LTFRB chairman Cheloy Garafil.
May 11,000 PUV units ang magkakaron ng operasyon sa university belt at iba pang lugar na may maraming paaralan at mga estudyante. Umaasa si Garafil na ang karagdagan ruta para sa mga PUVs ay sasapat upang mabigyan ng serbisyo ang tataas na bilang ng mga pasahero ngyon linggo para sa pabubukas ng klase.
Nagsimula noong Biyernes ang pagbibigay ng special permits sa mga PUVs at ang LTFRB ay mananatiling bukas hanggang weekend upang patuloy ang pagbibigay ng special permits sa mga operators ng buses at jeepneys.
Mga special permits lamang ang ibibigay ng LTFRB kapalit ng prangkisa para sa public convenience upang maging madali at mabilis ang transaksyon.
“PUV operators with valid franchises, provisional authorities as well as those with expired certificates of public convenience with an application for extension of validity would be allowed to operate,” saad ni Garafil.
Umaasa si Garifil na sa muling pagbubukas at pagpapalawig ng mga ruta ay matutulungan ang mga drivers na muling makapasada ng mas mahaba at makabalik sa lansangan. Inaasahan na may 80 porsiento ng PUVs ang babalik sa mga lansangan upang magkaron ng operasyon.
Ang mga dati at lumang ruta na sinara noong may pandemya ay binuksan na habang ang bagong ruta naman ay siyang magsisilbing dagdag para sa University Belt at iba pang lugar na may madaming estudyante.
Sinusunod lamang ng LTFRB ang kahilingan ni President Ferdinand Marcos at Vice-President Sara Duterte na dapat ay masiguro na mayroon tamang dami ng PUVs para sa pagubukas ng face-to-face na klase.
Matutulungan din ang mga operators sa muling pabubukas ng mga ruta upang sila ay maging financially viable sa gitna ng tumataas na presyo ng krudo at produktong petrolyo.
Sinabi rin ni Garafil na ang dami ng authorized PUVs ay nanatiling katulad pa rin bago pa ang pandemya.
“It’s just that many have no longer plied their routes because the distance of the route was reduced. So, we were asked if the routes could be returned to make plying the routes more viable,” dagdag ni Garafil.
Balak din ng LTFRB na magdagdag ng mga buses na tumatakbo sa EDSA busway upang makapagbigay ng serbisyo sa mga tataas na bilang mga pasahero kung magsimula ang klase.
Sa ngayon ay may 400 buses ang tumatakbo sa EDSA Carousel at may balak itong maging 500 buses upang masiguro na may sapat na supply ng buses kung rush hours. Nagkakaron naman ng problema ang mga operators dahil sa kakulangan ng mga drivers at dahil na rin sa mga breakdown ng mga buses.
Samantala, pinaalalahanan ni Garafil ang mga pasahero na hindi papayagan ang standing sa mga PUVs at maximum seating capacity lamang ang papayagan upang masunod ang COVID health protocols. LASACMAR
-
Mayor ISKO, mas maganda na tapusin ang full term bago tumakbo bilang Pangulo
NANUMPA na si Manila Mayor Isko Moreno bilang party president ng Partido Demokratiko noong nakaraang linggo. Ibig sabihin ba nito ay tatakbo siyang president next year bilang standard bearer ng partido na binuo ng yumaong senador na si Raul Roco? Hindi pa naman nagdedeklara ng kanyang candidacy si Yorme Isko pero kung kami ang […]
-
Marathon trivia
Lihis po muna ako sa running tips na ilang araw ko tinalakay. Ilang trivia sa marathon sa ating bansa noong dekada 80 ang gusto kong i-share sa inyo dear readers. Alam po ba ninyo ng mga panahong iyon ay wala pang curfew o cutoff time sa mga full-marathon o 42.195-kilometer race? Hindi […]
-
Ads March 13, 2024