Marathon trivia
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
Lihis po muna ako sa running tips na ilang araw ko tinalakay.
Ilang trivia sa marathon sa ating bansa noong dekada 80 ang gusto kong i-share sa inyo dear readers.
Alam po ba ninyo ng mga panahong iyon ay wala pang curfew o cutoff time sa mga full-marathon o 42.195-kilometer race?
Hindi pa kasi ma-traffic sa Metro Manila ng mga taong 1980-1989.
At kakit kulelat sa karera ng time na iyon, para ka ring big winner o champion. Sikat din ba!
Bilang last runner na tatawid ng finish line, kasabay mo ang isang motor (hagad) at ambulance with matching wangwang (wee! wee!).
Para ring bida .
Sa isang takbo ng papa ko sa Quezon City Subukan Full-Marathon, kinuwento niya sa akin na nagdrama siyng nahimatay pag-cross ng finishline. Gusto niya kasing maranasan ding balutin ng makapal na kumot at ilublob sa drum na puno ng malamig na tubig.
Sabi niya masarap. Para siyang nasa ‘cloud nine’
***
Patuloy po nating ipanalangin na may matuklasang gamot o iniksiyon para sa Covid-19 pandemic para makabalik na ang lahat sa dati, pati po ang sports events.
Ingat po tayo araw-araw, panatilihing masigla an gating katawan.
***
Kung may na is po pala kayong itanong o gusto ninyong mag-reaksiyon, mag-email lang po kayo sa jeffersoncogriman@gmail.com
Hanggang bukas po uli mg aka-People’s BALITA.
God bless us all! (REC)