• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil

NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe.

 

 

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers.

 

 

Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba o hindi ang kahilingan ng mga ito na taasan na ang kanilang mga sinisingil sa mga komyuter, dahil na rin sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na papakingan nila ang lahat ng panig at argumento ng mga tsuper at operators, kasabay ng pagsigurong ikokonsidera ang kanilang hinaing.

 

 

Katwiran ni Guadiz III, may kani-kaniyang pamilya rin ang mga miymbro ng transport groups na maaaring apektado sa kasalukuyang sitwasyon ng mga tsuper at operator.

 

 

Maalalang nagsumite ng kanilang petsyin na taas-singil sa mga pamasahe ang ibat ibang mga grupo na kinabibilangan ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Stop & Go Transport Coalition Incorporated, at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), upang hilingin ang P2.00 na dagdag sa pamasahe. (Daris Jose)

Other News
  • Presyo ng tinapay posibleng tumaas sa mga susunod na linggo

    POSIBLENG sa mga susunod na mga linggo magkakaroon na ng mga paggalaw sa presyo ng mga tinapay.     Ayon kay Luisito Chavez ang director ng Assosasyon ng Panaderong Pilipino, na ito ay dahil sa ilang paggalaw din sa presyo ng mga sangkap na paggawa ng mga tinapay.     Isa sa tinukoy nito ay […]

  • PDu30, hinikayat ang publiko na i-report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad

    HINIKAYAT ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang publiko na i- report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad.   Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tipsters  ay makatatanggap ng gantimpala mula sa pamahalaan.   Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito […]

  • Puri ng 6-anyos ‘binaboy’, 15-anyos na kapitbahay tiklo

    HAWAK agad kahapon (Huwebes) ng mga awtoridad ang 15-anyos na binatilyong inireklamo para sa umano’y paghalay sa 6-anyos na kapitbahay sa Pasay City.   Dinampot ng mga security guard ang binatilyo sa tinitirhan nitong condominium matapos ireklamo ng ina ng biktima Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng Southern Police District.   Bago ito’y natagpuan […]