• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: Gagawing online lahat ng transakyon

MAY PLANO ang Land Transportation Office (LTO) na gawin ng online ang lahat ng transaksyon upang maalis ang korupsyon at fixers sa loob ng ahensya.

 

 

 

Sa isang pahayag ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II ay kanyang sinabi na ang lahat ng pagrerehistro ng sasakyan at aplikasyon para sa lisensya ay gagawin na sa LTO’s online platform.

 

 

 

“We will do it double time in all the regions so that more motorists will now have their vehicles registered online and not face-to-face,” wika ni Mendoza.

 

 

 

Ang mga drivers’ licenses at rehistro ng sasakyan ay ipadadala na lamang sa pamamagitan ng courier para hindi na pumunta ang motorista sa opisina ng LTO.

 

 

 

“Once the system is fully online, it would resolve the LTO’s long-standing problem with fixers or individuals who offer to process LTO applications for a fee to avoid hassle,” saad ni Mendoza.

 

 

 

Ang online portal ng LTO na tinatawag na Land Transportation Management System ay matatagpuan sa pagbisita sa website na https://portal.lto.gov.ph/

 

 

 

Sa ngayon, ang nasabing website ay ginagamit ng mga motorista upang mag log-in sa kanilang personal account at makita ang digital na kopya ng kanilang driver’s license, listahan ng kanilang violations, education materials para sa mga drivers, at iba pa na mga transaksyon na may kinalaman sa LTO.

 

 

 

Samantala, sinabi rin ni Mendoza na ang mga lisensya na mag e-expire sa susunod na tatlong buwan ay baka gagamit pa rin ng paper-based na official receipt (OR) bilang isang pansamantalang driver’s license.

 

 

 

Ayon sa LTO noong Lunes ay may P1.8 milyon na plastic cards na lamang ang natitira dahil sa pagkaantala ng desisyon sa inihain na court case ng All Cards Inc laban sa LTO.

 

 

 

“600 thousand of that will be used this October, so 1.3 million will be left for November and Decembe3r. That is only enough for the licenses that expired last May and June 1,” dagdag ni Mendoza.

 

 

 

Sa ngayon ang LTO ay nagbibigay ng 300,000 na lisensya kada araw kung saan  binibigyan nila ng prioridad ang mga OFWs at ibang aplikante na kinakailangan na magsumite ng kasalukuyan nilang licenses para sa kanilang trabaho.

 

 

 

Ang kontrata sa plastic cards ay dati pang ini-award ng LTO sa Banner Plastic Card Inc. na may bid na P219 million. Ito ay kabaliktaran sa binigay ng AllCard Inc. na may bid na P177 million lamang subalit ang kumpanya ay na disqualified dahil sa alegasyon na ito ay may mga proyektong naantala sa central bank at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

 

Dahil dito ang All Cards Inc. ay naghain ng demanda laban sa LTO dahil sa alegasyon na pinaboran nila ang nanalong bidder na Banner Plasticards Inc. para sa pagbili ng 5.2 milyon na piraso ng plastic na cards.

 

 

 

Subalit ang Quezon City court ay nagsabi na ang rason sa disqualification ay hindi nagkaroon ng verification.

 

 

 

Dahil dito, ang nasabing court ay nagpataw naman ng 20-day restraining order (TRO) laban sa delivery ng plastic cards. Sa ngayon ay wala pang nilalabas na desisyon ang korte. LASACMAR

Other News
  • VP Sara Duterte, nilinaw na hindi biro ang pahayag niya na ‘designated survivor’ at hindi pagdalo sa SONA

    NILINAW  ni Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte na hindi siya nagbibiro at hindi bomb threat ang sinabi niya na itatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor. Inihayag ito ng bise presidente kasabay ng ginanap na Brigada Eskwela National Kickoff sa pangunguna ng SDO Cebu Province ng Region VII kanina. Ayon sa […]

  • MGCQ pagkatapos na lang ng holiday season

    Ayaw ng mga mayors sa Metro Manila na luwagan ang community quarantine ngayong Christmas season upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.   Ayon kay National Task Force Against CO­VID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. nag-iingat ang mga mayors at kung magluluwag man sa community ay pagkatapos na ng holidays.   “At […]

  • Planong pahiyain si BBM, totoo

    MAYROON diumanong sabwatan  para kutyain at  ipahiya si  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang  dungisan ang reputasyon nito.     Tinukoy ni  dating Senate President Juan Ponce Enrile  ang isang mapagkakatiwalaang source, nagbabala ang dating mambabatas na may ilang grupo mula sa Estados Unidos at  Pilipinas  ang  sinasabing magkasabwat  upang gawan ng gulo si Marcos. […]