• April 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, ipinatawag ang kumpanya ng bus dahil sa paglabag sa smoke belching

IPINATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistradong may-ari ng isang pampasaherong bus na inireklamo sa ahensya dahil sa umano’y paglabag sa regulasyon laban sa smoke belching.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, naglabas na ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) laban sa kumpanyang nagmamay-ari ng bus na may plakang ABG 4240, batay sa reklamo ng isang concerned citizen.

“Hindi po tayo tumitigil sa paghuli ng mga violations ng smoke belching. Kaya nga nagpapasalamat tayo sa mga concerned citizens na tinutulungan ang inyong LTO para ma-identify at mapanagot ang mga violators,” ani Asec Mendoza.

“Hinihikayat natin ang ating mga kababayan na i-report sa atin ang lahat ng pag-abuso sa kalsada at iba pang paglabag, at tinitiyak namin na aaksyunan namin ito. Kailangan lang ay magbigay ng proof gaya ng photo para mapabilis ang investigation,” dagdag niya.

Batay sa SCO na inisyu ni LTO-Intelligence and Investigation Division Chief Renante Melitante, inatasan ang bus company na magbigay ng nakasulat na paliwanag kung bakit hindi ito dapat patawan ng parusa.

Inatasan din ang kumpanya na dalhin ang naturang bus sa LTO North Motor Vehicle Inspection Center (NMVIC) sa LTO East Avenue, Quezon City, o sa LTO South Motor Vehicle Inspection Center (SMVIC) sa LTO SMVIC Compound, Brgy. 191, Domestic Road, Pasay City para sa pagsusuri ng sasakyan.

“Ipinaliwanag ni Asec. Mendoza na ang kautusang ito para sa inspeksyon ay alinsunod sa Section 4 (6) ng Republic Act 4136, o Land Transportation and Traffic Code.”

Nakasaad dito na: “(6) Ang Commissioner ng Land Transportation o ang kanyang mga kinatawan ay maaaring suriin at inspeksyunin ang anumang sasakyan anumang oras upang matukoy kung ito ay rehistrado, hindi kaaya-aya, hindi ligtas, labis ang karga, may maling marka o kagamitan, o kung ito ay hindi akmang gamitin dahil maaari itong magdulot ng labis na pinsala sa mga lansangan, tulay, o culverts.” (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Tobit 5:20

    Do not worry.

  • DOTr lumagda sa kontrata para sa pagbili ng 304 railway train cars ng NSCR project

    LUMAGDA  sa isang kontrata ang Department of Transportation (DOTr) upang bumili ng 304 railway train cars na gagamitin sa North-South Commuter Railway (NSCR) project.     Ayon sa DOTr, ang NSCR project ay malayo na ang narating para sa development nito dahil nauna ng kumuha ang ahensya ng eight-car Electric Multiple Unit na gagamitin naman […]

  • CASH FOR WORK DINUMOG NG APLIKANTE

    DUMAGSA sa harap ng Comelec Navotas Office ang mga Navoteñong mag-aaplay sa cash for work program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.   Ito’y sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap sila sa naturang programa ng lungsod para sa karagdagang kita ngayong panahon ng pandemya.   Nasa 1,500 jeepney drivers at maralitang residente ang kukunin para […]