LTO, mahaharap sa P1.27-B disallowance na may kinalaman sa online portal system project- COA
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
IPINAG-UTOS ng Commission on Audit (COA) sa Land Transportation Office (LTO) na tugunan ang audit findings kaugnay sa proyekto nito kasama ang Dermalog o mahaharap ito sa disallowance of payments na nagkakahalaga ng P1.27 billion.
Ang Dermalog – isang German information technology contractor – ang nasa likod ng online portal Land Transportation Management System (LTMS) ng ahensiya.
Sa isang liham na ipinadala ng COA na may petsang Nov. 29, 2024, nakasaad na ang notice of suspension ay tumutukoy sa Road IT Infrastructure Project – Component A o LTMS ng LTO.
“The Audit Team has yet to receive the complete compliance and/or justifications from the Management on these noted observations/issues on the aforesaid [Audit Observation Memorandum],” ang mababasa sa liham para sa LTO.
“On May 21, 2024 and November 26, 2024, the Audit Team issued two follow-up letters to the LTO but still no response has been given by Management as of this date, hence, the issuance of this Notice of Suspension,” dagdag pa nito.
Sinabi ng COA na sinuspinde nito ang pag-audit ng ilang items sa LTMS project sa pagitan ng 2019 at 2022 matapos na ang LTO di umano’y hindi nagsumite ng tugon nito sa AOM.
Ang natuklasan ay base sa assessment ng 13 Technical Evaluation and Inspection Reports (TEIRs) na may petsang mula March 13 hanggang September 13, 2023.
Natuklasan din ng COA na mayroong “incomplete submission of documents, non-compliance with contract requirements, and issues on data and linkages.”
“Items suspended in audit, which are not settled within 90 days from receipt hereof shall become a disallowance pursuant to Section 82 of P.D. 1445 and COA Circular No. 2009-006 dated September 15, 2009, prescribing the Rules and Regulations on Settlement of Accounts,” ang nakasaad sa liham.
Kinokonsidera naman ang LTMS bilang cornerstone ng five-year IT modernization program ng LTO upang maging episyente ang ahensiya at bigyan ang mga kliyente ng kaginhawaan sa online service.
“The system’s portal is a one-stop online shop that seeks to integrate all LTO services in a single contact-less database system and digital platform,” ayon sa ulat.
Matatandaang, Marso ng nakaraang taon, sinabi ng LTO na pinag-aaralan nitong mabuti ang posibilidad na magpapawalang bisa sa kontrata sa Dermalog. (Daris Jose)
-
Metro Manila pinakatalamak ang kawalang trabaho
Hindi lang numero uno sa COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR). Ito rin ang may pinakamataas na unemployment rate sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas. “Ang NCR ay naitayang may pinakamataas na unemployment rate na nasa 15.8 percent, samantalang ang [Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao] ang may pinakamababa na nasa 3.8 percent […]
-
PBBM, ipinag-utos na pag-aralang mabuti ang pagsama ng TVET sa SHS curriculum
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang integrasyon o pagsama ng technical and vocational education and training (TVET) sa curriculum ng senior high school (SHS). Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, layon na matiyak na ang mga SHS graduates ay “ready and employable for the […]
-
PCSO, namahagi ng 7 ambulansiya
NASA pitong ambulansiya ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa limang munisipalidad, mga sundalo at isang pagamutan, sa ilalim ng kanilang Medical Transport Vehicle (MTV) Donation Program. Mismong si PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades “Mel” Robles ang nanguna sa pamamahagi ng mga naturang ambulansiya sa mga benepisyaryo, sa isang […]