Metro Manila pinakatalamak ang kawalang trabaho
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi lang numero uno sa COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR). Ito rin ang may pinakamataas na unemployment rate sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas.
“Ang NCR ay naitayang may pinakamataas na unemployment rate na nasa 15.8 percent, samantalang ang [Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao] ang may pinakamababa na nasa 3.8 percent noong July 2020,” patuloy ng PSA.
“Base sa datos, karamihan o 80.8 percent ng mga manggagawa na may trabaho ngunit hindi nakapasok, ang nagpahayag na ang dahilan kaya hindi sila nakapasok sa trabaho ay ang COVID-19 pandemic o Community quarantine.”
Lumalabas din na napaiksi ng COVID-19 pandemic ang oras ng pagtratrabaho ng mga Pilipinas.
Kung susumahin, kulang-kulang 38.2 na oras kada linggo na lang ang ginugugol na oras ng mga manggagawa sa pagkayod. Mas maiksi ito kumpara sa 41.8 oras kada linggo noong July 2019.
-
Suplay ng pagkain sa bansa, kaya pang tumagal ng tatlong buwan- Malakanyang
SINIGURO ng Malakanyang na aabot pa ng tatlong buwan ang food suppy ng bansa hanggang sa gitna ng naging pinsala ng mga nagdaang bagyo na sumira sa maraming sinasakang lupain. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa 90 araw ang kayang itagal pa ng supply na pagkain as of November 12. Ayon kay […]
-
Ordanes at Arquiza, nagkasundo at nagkamayan
Tuluyan ng nagkasundo at nagkamayan ang kinikilalang kinatawan ng Senior Citizens Party-list na si Cong. Rodolfo Ompong Ordanes at si dating Cong. Godofredo Arquiza matapos pagtibayin ng dalawa ang isang kasunduan na nagtatapos ang kanilang sigalot na sinaksihan ng kanilang mga abugado sa ginanap na seremonya nitong Dec.19, 2023 sa Seda Hotel, Quezon City. (PAUL […]
-
PDP-Laban, bumoto na naglalayong hikayatin si PDu30 na tumakbo sa pagka-Bise-Presidente sa 2022
BUMOTO ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) national council , araw ng Lunes na bumuo ng isang resolusyon na naglalayong hikayatin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, chairman ng partido na tumakbo sa pagka-bise-presidente sa susunod na taon. Ang nasabing resolusyon ay mage-endorso rin kay Pangulong Duterte, na pumili ng magiging running-mate nito para […]