• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO sa Metro Manila, Laguna, Bataan balik operasyon na

Nagbabalik-operas­yon na simula Lunes, Agosto 23, ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR), Laguna at Bataan.

 

 

Ito, ayon sa LTO, ay kasunod na rin ng pagbababa na ng quarantine classification ng mga nasabing lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa dating ECQ.

 

 

Sinabi ng LTO na ang kanilang mga nabanggit na opisina ay mag-o-operate ng may 50% capacity upang maka-accommodate ng 50% na usual na bilang ng mga kliyente nito.

 

 

Pinaalalahanan naman ng LTO ang mga magtutungo sa opisina na sundin ang CO­VID-19 safety protocols upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit at upang hindi maantala ang kanilang transaksyon.

 

 

Matatandaang nagtigil muna ng operasyon ang LTO sa mga natu­rang lugar matapos na maisailalim ang mga ito sa ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito. (Daris Jose)

Other News
  • 2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city.   Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag […]

  • Taas-singil sa tubig, aprub ng MWSS

    SIMULA sa 2023 asahan na ang dagdag bayarin sa kinokonsumong tubig makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang rate increase na hiniling ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.     Ayon kay MWSS-Regulatory Office chief regulator Patrick Ty, inaprubahan ng ahensiya ang rate rebasing adjustments ng dalawang kumpanya […]

  • Number coding pinag-aaralang palawakin sa Alert Level 1

    PINAG-AARALAN na  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalawak sa number coding scheme  sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa oras na ipatupad na ang Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR).     Ito ang inihayag ni MMDA Officer-in-Charge at General Manager Atty. Romando Artes matapos nga ang ginawang rekomendasyon ng […]