LTO, target na gawing fully digital ang aplikasyon ng Student Permit at Drivers License
- Published on October 25, 2023
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Land Transportation Office na plano nilang gawing fully digital ang aplikasyon sa pagkuha ng mga Student Permit, Driver’s License at renewal.
Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, doble effort ang ginagawa ng kanilang ahensya upang matugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Paliwanag ng opisyal, mababawasan na ang mga fixers sa ahensya dahil kaunti na lamang ang face-to-face transactions sa ahensya.
Giit ni Mendoza, ang teknolohiya ay talagang epektibo upang mapuksa ang korapsyon sa lahat ng mga transaksyon sa kanilang tanggapan at mga satellite offices nito.
Pinapagbuti at pinalalakas na rin ngayon ng LTO ang kanilang information dissemination.
Layunin nitong mahikayat ang mga motorista na tangkilikin ang online transactions sa registration at renewal ng motor vehicle registration.
Paliwanag pa nito na nasa proseso na ang LTO sa pag-integrate ng bagong IT system sa lumang sistema upang masigurong hindi magkakaaberya o technical glitches.
-
MMDA: Expanded number coding scheme hindi pa ipatutupad
ANG Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hindi pa magpapatupad ng kanilang expanded number coding scheme kahit na ang National Capital Region (NCR) ay nasa Alert Level 1 na. Ayon sa MMDA na kanilang naobserbahan at kanilang naitala na hindi pa rin gaanong madami ang mga sasakyan na dumadaan at gumagamit ng EDSA. […]
-
KADIWA outlets ng NIA, nagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas
BILANG pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa maraming tulong na ipinagkaloob sa mga magsasaka para itaas ang kanilang produksyon, nagsimula na ang mga irrigators na magbenta ng kasing baba ng P20 kada kilo ng bigas sa Kadiwa outlets ng National Irrigation Administration (NIA). “This was made possible by the irrigators’ […]
-
Hindi paplanuhin kung kakandidato: VICE GANDA, patuloy na nililigawan na pasukin ang pulitika
ISA si Vice Ganda sa mga nililigawan ng mga political parties para tumakbo sa darating na mid term elections. Pero wala ni isang pinagbigyan ang main host ng “It’s Showtime”. Sa isang interview kay Vice ay nabanggit ni Vice na kung kakandidato siya ay hindi niya ito paplanuhin. “Parang hindi ko siya mapaghahandaan. […]