• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga empleyado ng NAIA kukunin ng Megawide sa kanilang take-over bid

Hindi mawawalan ng trabaho ang libong empleyado ng Ninoy Aquino International Airport kung magkaron ng take over ang isang private consortium na siyang maaring kunin ng pamahalaan para sa rehabilitation project nito.

 

Sinabi ng Megawide Construction Corp. na kanilang kukunin ang mga empleyado ng NAIA kung kanilang makukuha ang kontrata para sa rehabilitation ng country’s main gateway, katulad ng ginawa sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

 

Taliwas naman ito sa sinabi ng mga ilang mambabatas na mawawalan ng trabaho ang 14,000 na empleyado ng NAIA kung makukuha nila ang kontrata, ayon kay Megawide chairman at chief executive officer Edgar Saavedra.

 

Ayon pa kay Saavedra na kanilang susundin ang mga proseso na ipapatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ng mungkahi na baguhin ang NAIA complex.

 

“We actually made an offer not only to adhere to government regulations but because we saw value in their knowledge of the airport operations,” wika ni Saavedra.

 

Siniguro naman ni Megawide managing director Louie Ferrer ang proseso ng paglipat ng mga regular na empleyado ng MIAA sa Megawide.

 

“Following the guidelines of the government and the process we followed for the MICIA, we will be sending offers of employment to the regular employees of the NAIA. Those who accept the offers will enjoy benefits equal or possibly more than the benefits they were receiving from the MIAA. Any employees who transfer to Megawide are also protected against retrenchment within a certain period,” wika ni Ferrer.

 

Ayon sa Megawide sila ay mamumuhunan sa pagtatayo ng isang state-of-the-art aviation at airport training facility para sa NAIA na pangungunahan ng mga regular at contractual na mga empleyado.

 

“In the short term our focus is to train the employees of the NAIA in line with our goal to deliver first-world services and operations within the first phase of operations,” dagdag ni Ferrer.

 

Gusto rin ng Megawide na magkaron ng mga Filipino aviation experts hindi lamang sa Manila kundi pati na rin sa Cebu at iba pang airports sa Pilipinas.

 

Ang Megawide ay mahigpit na tutupad sa mga guidelines na ibibigay ng pamahalaan para sa isang multibillion-peso rehabilitation project.

 

Gustong pawalang katotohanan ng Megawide ang sinabi ni Rep. Bong Suntay noong nakaraang budget hearing na marami ang mawawalan ng trabaho kung mag take over ang kanilang kumpanya.  (LASACMAR)

Other News
  • Sa ika-50 edisyon ng taunang Metro Manila Film Festival: VIC, VICE at PIOLO, nagbabalik dahil pasok ang kanilang movies

    IPINAGDIWANG ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng golden jubilee noong Hulyo 16. 2024, na may engrandeng paglulunsad ng ika-50 edisyon na may temang ‘Sine-Sigla sa Singkwenta.’   Itinampok ng espesyal na kaganapang ito ang makabuluhang kontribusyon ng MMFF sa lokal na pelikula. at entertainment industry, gayundin ang papel nito sa pagpapalakas ng […]

  • Paglikha ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivor, iminumungkahi ni Sec. Roque sa IATF

    NAKAHANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na imungkahi sa susunod na Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang pagkakaroon ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivors na nakararanas pa rin ng depression makaraang gumaling sa mapanganib na sakit.   Aniya, wala pa siyang alam na may aftercare program ang gobyerno para sa mga biktimang gumaling […]

  • Pinoy boxer John Moralde bigo sa kamay ni William Zepeda

    Nabigo si Filipino boxer John Vincent “Mulawin” Moralde na maagaw ang World Boxing Association (WBA) Continental America lightweight champion kay William “Camaron” Zepeda.     Mula sa simula pa lamang ay umulan ng mga suntok mula kay Zepeda na nagbunsod sa pagkakatumba sa Pinoy boxer sa loob ng ikaapat na round sa laban na ginanap […]