Lyceum kampeon sa NCAA online chess
- Published on August 9, 2021
- by @peoplesbalita
Nasungkit ng Lyceum of the Philippine University ang korona sa NCAA Season 96 seniors’ online chess tournament.
Pinayuko ni Neymark Digno ng Lyceum si Carl Jaediranne Ancheta ng Arellano University sa championship round upang matamis na angkinin ang titulo.
Nagkasya lamang sa pilak si Ancheta.
Nakahirit ng tiket sa finals si Digno nang gapiin nito si University of Perpetual Help System Dalta bet Carl Zirex Sato sa semifinals.
Umabante naman sa gold-medal match si Ancheta nang igupo nito si Adrian Othniel Yulo ng College of Saint Benilde sa hiwalay na semis game.
Ito ang kauna-unahang titulo ng Lyceum sa chess tournament sa liga.
Nauna nang ginanap sa season na ito ang poomsae, speedkicking at volleyball skills challenge.
-
Gagawin ang lahat para walang maiwang gutom at mayroong magandang kalidad ng buhay
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang walang maiwan kahit na isang nagugutom at ine-enjoy ng lahat ang kanilang mas maayos na kalidad ng buhay. Sa naging talumpati ng Pangulo sa pagdiriwang ng ika-56 founding anniversary ng lalawigan ng Davao del […]
-
Zack Snyder’s Justice League Coming To HBO GO This March, Three Teaser Posters Revealed
WARNER Bros. Pictures and DC full-length Max Original feature film Zack Snyder’s Justice League will premiere same time as the U.S. on HBO GO in the Philippines on Thursday, March 18, 2021. The announcement came with the debut of three new teaser posters. The release of Zack Snyder’s Justice League will be supported […]
-
ANJO, na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic
KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Anjo Damiles na na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic. Ayon kay Anjo: “Ang hirap i-explain when it comes to mental health… suddenly it breaks you down. May point ako na nag-snap na lang po ako. Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to […]