Mababa ang ratings kaya walang season 2: Fans ni IÑIGO, tiyak na nalungkot dahil kanselado na ang ‘Monarch’
- Published on December 16, 2022
- by @peoplesbalita
Ayon sa Fox network, hindi na magkakaroon ng season 2 ang ‘Monarch’ dahil cancelled na ang buong series. Nagtapos noong nakaraang December 6 ang season one nito.
Ang naging dahilan nang pag-cancel ng series ay ang mababang rating nito. Sa pilot premiere pa lang ay nag-struggle na ito sa ratings dahil sumabay ito sa NFL Championship Games.
Marami pa namang natuwa dahil sa paglabas ni Inigo sa naturang series at sumabay ito sa pag-arte sa co-stars niyang sina Anna Friel, country singer Trace Adkins, Joshua Sasse, Beth Ditto, Meagan Holder and Susan Sarandon na naging malapit sa aktor.
Magandang simula sana ang ‘Monarch’ para kay Inigo na magkaroon ng international career bilang aktor at singer. Pero dahil sa pagkansela ng network sa series, mukhang mag-concentrate na lang muna sa career niya sa Pilipinas si Inigo or puwede niyang ipagpatuloy ang mag-audition sa ibang shows dahil balitang may agent na ito sa Hollywood.
***
KABILANG si Mikee Quintos sa mga Sparkle artist na dumalo sa KaKoLAB 2022 na naganap sa Balara Content Studio sa Quezon City noong December 9.
Ang goal raw ni Mikee sa pagsali niya sa TikTok ay ang makapagbigay ng good vibes, pati na rin ang i-promote ang mental health at awareness online, lalo na sa kabataan.
“I hope ‘yung mga taong nakakakita no’n, nase-spread ko ‘yung positive vibes. Don’t forget to have fun pa rin and appreciate, be contented, ‘yung mga gano’ng feels. ‘Yun ‘yung gusto kong i-resonate sa mga nanonood,” sey ni Mikee.
Sa KaKoLAB 2022, nagkaroon ng oportunidad para mag-collaborate ang ilang Kapuso stars at influencers sa paggawa ng TikTok videos at matuto tungkol sa content creation.
Para kay Mikee, ang nasabing event ay naging pagkakataon din para makilala ang kapwa content creators para mas hikayatin pa ang pagiging creative ng bawat isa.
“We get the chance to meet each other, meet new friends, meet new fellow content creators to encourage each other’s creativity even more. It’s like adding gas to the flame of our creativity,” sey pa ni Mikee.
***
MARAMI ang magulat sa biglang pagpanaw ng DJ at executive producer ni Ellen DeGeneres na si Stephen “tWitch” Boss noong December 13. He was 40-years old.
Si tWitch ang partner at nagtuturo sa pagsayaw noon kay Ellen sa kanyang talk show na The Ellen DeGeneres Show simula pa noong 2014.
Ang misis ni tWitch na si Allison Holker ang nagbalita sa pagpanaw ng kanyang mister dahil sa suicide.
Ayon sa report ng TMZ, natagpuan si tWitch sa isang hotel at meron itong self-inflicted gunshot wound.
Sa interview ni Holker sa media, ito ang kanyang statement: “It is with the heaviest of hearts that I have to share my husband Stephen has left us. Stephen lit up every room he stepped into. He valued family, friends and community above all else, and leading with love and light was everything to him.
“He was the backbone of our family, the best husband and father, and an inspiration to his fans. To say he left a legacy would be an understatement, and his positive impact will continue to be felt. I am certain there won’t be a day that goes by that we won’t honor his memory.”
A spokesman for Los Angeles Police Department ang nagsabi na nag-respond ang officers nila sa isang mid-morning call noong Tuesday na may kinalaman sa pagpakamatay ng isang lalake sa loob ng isang hotel room.
Bukod sa paglabas sa Ellen, actor din si tWitch na lumabas sa mga pelikulang Step Up at Magic Mike XXL. May tatlong anak itong naiwan kay Allison.
Sobrang nalungkot naman si Ellen sa tragic death ng isa sa kanyang matalik na kaibigan.
“I’m heartbroken. tWitch was pure love and light. He was my family, and I loved him with all my heart. I will miss him,” caption ni Ellen sa pinost niyang photo nila ni tWitch sa Instagram.
-
DepEd, tinitingnan ang pilot run ng bagong SHS curriculum para sa SY 2025-2026
TINITINGNAN ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng revised Senior High School curriculum para sa School Year 2025-2026. Ito ang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa sidelines ng Chinese-Filipino Business Club Inc. (CFBCI) 13th Biennial National Convention, kung saan siya ang tumayong keynote speaker. “Ang target […]
-
Uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino, prayoridad na mabigyan ng Covid- 19 vaccine
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino ang prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine. “Ang mauuna ‘yung mga taong nasa listahan ng mga gobyerno na tumatanggap ng Pantawid. Ito ‘yung mga mahirap,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address. Ang mahirap na pamilyang […]
-
LTFRB: Binigyan ng 27 buwan upang palitan ang lumang PUJ units
MATAPOS ang consolidation ng mga individual na operators upang maging kooperatiba o korporasyon, ang kasunod naman nito ay ang pagpapalit ng mga lumang public utility jeepneys (PUJs) upang maging modernized units. “We have set a schedule so the replacement of units is not immediate, so within that time, old units can still be […]