• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mababa sa 0.0013% ng 9-M fully vaccinated Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 – FDA

Iniulat ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga “breakthrough COVID-19 infections” sa mga indibidwal sa kabila na sila ay mga nabakunahan pero ito ay maliliit lamang na bilang o porsyento.

 

 

As of August 1, mayroong 116 kaso ng COVID infection sa mga indibidwal na fully vaccinated kung saan 88% dito ay mild at asymptomatic, 11% ang na-admit sa ospital at mayroong isang nasawi.

 

 

binahagi ni FDA director general Eric Domingo, may mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 matapos na mabakunahan ng unang dose ng vaccines na nasa 546 cases habang nasa 61 naman ang nasawi.

 

 

Nasa 51 COVID-19 cases naman ang naitala matapos na maturukan ng ikalawang dose at dalawa ang fatalities.

 

 

Samantala nasa 116 indibidwal naman ang na-infect pa rin ng coronavirus matapos ang 14 na araw mula ng mabakunhan ng ikalawang dose o itinuturing na fully vaccinated na kung saan isa ang nasawi.

 

 

Paglilinaw ni Domingo, ang ikinamatay ng mga nabakunahang indibidwal ay dahil sa COVID at hindi dahil sa bakuna.

 

 

Nakadepende rin kasi aniya sa lebel ng reaksiyon ng katawan ng isang indibidwal sa bakuna at level ng immunogenicity na nage-generate ng katawan kung saan nakita na karamihan aniya sa mga nagpositibong indibidwal na nakakaranas ng mild symptoms ng COVID o kaya naman ay asymptomatic.

 

 

Sa kabila nito, nasa maliit lamang aniya na porsyento ang nagpopositibo sa COVID-19 na nasa less than 1% ng kabuuang bilang ng mahigit 9 million na fully vaccinated kontra coronavirus.

 

 

Nilinaw din ni Usec. Domingo na nakadepende sa porsyento ng mga nabakunahan ng partikular na brand ng COVID vaccines ang dami ng bilang ng nagpositibo gaya ng Sinovac at Astrazeneca na pinaka-dominant na bakunang ginagamit sa vaccination program ng ating bansa.

 

 

Mas matimbang pa rin ang benepisyo ng bakuna para maiwasan ang severe cases at death mula sa respiratory disease kaya mahalaga aniya na makompleto ang bakuna.

 

 

Base sa pinakahuling datos hanggang Agosto 1, nasa 11.7 million partially vaccinated o nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine habang nasa 9.1 million naman ang fully vaccinated sa bansa.

 

 

“There is no vaccine with 100% efficacy. It really depends on each and every person. We don’t have the same level of reaction to vaccines and the level of immunogenicity generated by our bodies differs,” ani Domingo. “The chance, probability of getting COVID-19 drastically decreases once you complete your vaccination.”

Other News
  • PDu30, kumpiyansa na maipapanalo ng ASEAN ang laban nito sa Covid- 19

    KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapanalo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang laban nito sa Covid-19 sa kabila ng mga hamon na kinahaharap nito.   Sa 54th founding anniversary na ginunita ng ASEAN, sinabi ng Pangulo na hindi na estranghero sa mga ASEAN member states ang hirap ng panahon at pagkakataon dahil […]

  • 2,500 trabaho alok sa Manila job fair

    NASA 2,500 na bakanteng trabaho sa Maynila ang inaalok sa gaga­naping job fair na bukas din maging sa mga elementary o high school graduates.     Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na isasagawa ng pamahalaang lungsod ng Maynila bukas, Setyembre 25, 2024, ang “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” bilang highlight ng lingguhang regular […]

  • Ikinumpara ni Vivian sa mamahaling designer outfit ni Heart: MARIS, ipinagmalaki na nakarating sa New York ang kanyang ukay-ukay

    KINAGILIWAN ng mga netizens ang latest IG post ni Maris Racal na kung saan ang OOTD niyang white little dress ay nabili niya sa ukay-ukay.     Caption ni Maris sa kanyang larawan na kuha sa New York City, “My ukay ukay dress made it to nyc.”     Dahil sa ginawa niya, marami talagang […]