• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Madaling mag-fall dahil sa pag-i-internalize sa role: KELVIN, inamin na nagkaroon ng feelings para kina MIKEE at BEAUTY

INAMIN ni Kelvin Miranda na mabilis siyang mag-fall sa mga leading lady na nakaka-trabaho niya.
Ayon kay Kelvin nang makausap namin sa Coffee Project Wil Tower branch, “Nagkaroon din ako ng problema sa ‘Lost Recipe’, dahil nagkaroon din ako ng feeling with Mikee (Quintos), hindi ko alam kung totoo o hindi.”
Ganito rin ang naramdaman niya nang makatrabaho naman si Beauty Gonzalez sa serye na ‘Loving Miss Bridgette’ at sa movie na ‘After All’.
Pag-amin pa ng guwapong aktor, “Actually halos sa lahat na magkaka-feelings ako, parang sa sobrang pag-i-internalize ko or devoted sa project, parang nararadaman ko talaga ang character, kaya kailangan ko ng break, two to three months, hanggang sa mawala sa sistema ko. Nadadala ko talaga hanggang sa bahay.
“Kay Beauty may na-feel din naman ako, kasi hindi naman mangyayari na magiging totoo ako sa kanya kung wala po akong na-feel kay Beauty.
Kakaiba ang aura ngayon ni Kelvin, medyo pumayat siya at tamang-tama raw yun para kanyang role sa ’Sang’gre’ bilang Adamus, na anak ni Alena, kasama sina Bianca Umali, Faith Da Silva at Angel Guardian na malapit na kaibigan niya.
Paano nga ba siya nagbawas ng timbang?
“Ang ginagawa ko lang po ay pagpa-fasting at sinasamahan ko ng devotion, like pagdarasal.
“Kung familiar po kayo sa nagra-Ramadan, nagpi-perform sila ng chanting at meditation.
“At para din sa kalusugan ko, spiritual and physical.  Inaral ko po talaga siya, parang nagsuusog ka ng karma, frustrations, at marami pang iba.
“Parang kini-cleanse mo talaga at effective talaga siya sa akin.”
Kailan para niya ito sinumulan…
“Noong nakabasa ako at nakarinig ng payo sa mga pinsan ko na nagpapa-practice ng Krishna Consciousness.
“Nagpa-practice po ako nun pero Catholic pa rin ako, hindi po ako magpapalit ng religion. Ginagawa ko yun para sa sarili ko at mapalapit sa Creator.”
Dagdag pa ni Kelvin na mapapanood sa pelikulang ‘Chances Are, You and I’ kasama si Kira Balinger, “from 89 to 90 kg, yun pinaka-malaki ko, ngayon po nasa 68 to 69 kg na ako, na-reach ko na kasi 62 to 63 kg, pero pag pumayat pa ako, unhealthy na yun.
“Sinasamahan ko naman ng exercise, kasama ang meditation at fasting.  Kailangan konektado ang utak mo sa katawan mo, para maka-complete ka ng program, at kailangan talaga ng focus, malaki ang naitutulong ng fasting….”
Tungkol naman sa kanyang dream role, “gusto ko magkaroon ng pagkakaiba sa ibang leading men na nahihilera, mga kasama ko sa trabaho.
“Gusto ko meron puso kung ano ang character na gagampanan ko, hindi lang basta nagde-deliver ng lines pero maramdaman ng mga nanonood ang natural.
“Ang dami ko pang hindi nagagawa. Sa ngayon kung ano ang nilalatag sa akin, lumalapit sa aking opportunity, grateful na grateful na ako, tulad nitong role ko sa ‘Chances Are, You and I’, malaking challenge po ito sa akin.”
Showing na ang movie nila ni Kira sa May 29, mula sa direksyon ni Catherine O. Camarillo.
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • PARI SINUNTOK, IMPORT NG ADU KULONG

    HAWAK na ngayon ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS) ang varsity player ng Adamson University matapos na itulak at manuntok ng isang pari sa loob ng gym ng eskuwelahan sa Ermita, Maynila.   Kinilala ang atleta na si Papi Sarr, 28 anyos, Cameron National, nanunuluyan sa Falcon Nest., Adamson University sa San Marcelino St., […]

  • Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw

    HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila.     Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya.     Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]

  • Gilas Pilipinas tututok na sa FIBA Asia Cup

    SESENTRO na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup na aarangkada sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakarta, Indonesia.     Magarbong tinapos ng Pinoy squad ang third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan pinataob nito […]