Mag-ina, nalunod, natagpuang patay
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY na nang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mag-ina matapos malunod sa Larbeco River, Barangay Limo-ok, Lamitan, Basilan kamakalawa ng kagabi.
Ayon sa PCG, nagpunta ang mag-ina na si Lyn Mallari at isang taong gulang niyang anak sa ilog nang hindi inaasahang lumakas ang alon na nagresulta ng kanilang pagkalunod.
Agad na narekober ang katawan ng ginang makalipas ang ilang sandali matapos ang insidente habang kaninang umaga lamang natagpuan ang katawan ng kanyang anak.
Pinangalagaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Lamitan City ang mga katawan ng mag-ina, habang patuloy ang koordinasyon sa kanilang pamilya. (Gene Adsuara)
-
Pamahalaan, ipag-uutos na ipasara ang simbahang Katoliko
KAAGAD na ipag-uutos ng pamahalaan ang pagpapasara sa mga Simbahang Katoliko na tututol sa naging direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa religious gathering sa panahon ng National Capital Region (NCR) Plus bubble mula Marso 22 hanggang Abril 4 sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Harry […]
-
PBBM, labis na nabahala sa Paeng death toll sa Maguindanao
NAGPAHAYAG nang labis na pagkabahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa mataas na fatality count sa Maguindanao province dahil sa pagbaha sanhi ng pananalasa ni Severe Tropical Storm Paeng. Sa isinagawang full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), araw ng Sabado, Oktubre 29, hiningan ng reports ng […]
-
Mga otoridad sa China kinumpirmang walang nakaligtas sa 132 kataong lulan ng pampasaherong eroplano
KINUMPIRMA ng Civil Aviatioin Administration ng China na walang nakaligtas sa kabuuang 132 sakay ng bumagsak na pampasaherong eroplano sa southern China. Sinabi ni Hu Zhenjiang, deputy director-general ng Civil Aviation Administration of China, lahat aniya ng 123 na pasahero at siyam na crew ang nasawi ng bumagsak ang flight MU5735 ng China […]