• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-ingat sa holiday text scams

NAGBABALA si Navotas Rep. Toby Tiangco sa publiko na maging mapagbantay sa tumitinding sopistikasyon ng text scams na tumatarget sa mga e-wallet users.

 

Ang paalala na ito ni Tiangco, chairman ng House Committee on Information and Communication Technology, kasunod na rin sa pagtaas ng bilang ng scam messages gamit ang lehitimong e-wallet advisories.

 

“Marami po sa ating mga kababayan ang nabiktima na ng mga text scams na nagpapanggap na mula sa mga e-wallets. Maging mapagmatyag po tayo sa modus na ito at huwag mag-click ng links mula sa text messages,” ani Tiangco.

 

Nanawagan din ang mambabatas sa Department of Information and Technology (DICT) na palakasin pa ang kanilang mga hakbang at kampanya laban sa mga scammers lalo pa’t papalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

 

“Alam naman natin na habang papalapit ang kapaskuhan, lalong nagiging masipag ang mga scammers. Hindi sapat na minomonitor lang natin ang sitwasyon. Dapat matunton ang mga masasamang loob sa lalong madaling panahon bago pa dumami ang kanilang mga biktima,” dagdag nito.

 

Ayon sa DICT, ipinadadala ang mga phishing messages sa International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher, isang device na sumusubaybay, humaharang at ginagaya ang mga lehitimong mobile communications.

 

Pinaalalahanan na rin ng mga e-wallet providers tulad ng Maya at GCash ang kanilang mga users na huwag bubuksan ang mga links mula sa mga hindi kilalang texts.

 

Sinabi pa ni Tiangco na matapos i-ban ng Marcos administration ang POGO ay pinalakas at pinalawig ng mga scammers ang kanilang taktika para puntiryahin ang publiko.

 

“Let us remain vigilant. Report cybercrime incidents to the Inter-Agency Response Center (IARC) Hotline 1326,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)

Other News
  • MMDA: 117 pedestrians, namatay noong 2019

    MAY 117 na pedestrians ang naitalang namatay noong 2019 ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sila ay tinatawag na “most vulnerable road users.”   Ayon sa datos ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, noong 2018 ay mayroong 141 na pedestrians ang nasawi at 167 […]

  • Publiko walang dapat ikabahala sa financial system ng mga bangko sa PH – BAP

    Tiniyak din ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na walang dapat ikabahala ang publiko sa mga bangko dahil matibay umano ang financial system sa bansa.   Ginawa ng mga grupo ng mga bangko ang pahayag kasunod nang nabulgar na pamemeke ng ilang junior officer kung saan nakaladkad ang BDO Unibank at Bank of the […]

  • Aklat hinggil sa eleksiyon sa Filipinas, inilunsad sa Araw ni Balmaseda 2020

    INILUNSAD ang aklat na Prosesong Elektoral (1846-1898): Ang Kaso ng Halalang Lokal sa Lalawigan ng Tayabas ni Dr. Gilbert E. Macarandang noong 28 Enero 2020, bilang paggunita sa ika-135 na kaarawan ni Julian Cruz Balmaseda.   Unang kinilala ang pananaliksik na ito nang parangalan ito bilang pinakamahusay na disertasyon sa agham pampulitika noong Gawad Julian […]