Mag-lola todas sa sunog sa Caloocan, 9 pa sugatan
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
NASAWI ang mag-lola habang siyam pa ang sugatan, kabilang ang apat na kaanak ng mga nasawi at limang bumbero, sa naganap na sunog sa Caloocan City, Lunes ng tanghali.
Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang 21-anyos na estudyanteng si Layla habang wala na ring buhay ang kanyang 84-anyos na lolang si Aling Purita nang matagpuan sa ibaba ng dalawang palapag na nasunog nilang tirahan sa 248 Marcela St. Brgy. 27 Maypajo.
Sa tinanggap na ulat ni Caloocan City Fire Marshal F/ Supt, Eugene Briones, kapuwa nasawi ang maglola bunga ng pagkakalanghap ng usok makaraang ma-trap sa loob ng bahay nang sumiklab ang apoy dakong alas-12:45 ng tanghali.
Bukod sa mag-lola, namatay din sa sunog ang 10 nilang mga alagang aso at pusa habang siyam ang nasugatan, kabilang si FO2 Nestor Siervo ng Caloocan City Bureau of Fire Protection (BFP), apat na fire volunteer, mga magulang ni Lyla na sina Epimaco at Lily, 54, at dalawa pa nilang kaanak.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-2:33 ng hapon na tumupok sa tinatayang P300,000 halaga ng ari-arian.
Ayon kay SFO3 Randel Angeles, wala namang iba pang katabing bahay na nadamay sa insidente habang inaalam pa ang pinagmulan ng sunog. (Richard Mesa)
-
May covid o wala, tuloy ang takbo ng ekonomiya- Sec. Roque
“Covid or no Covid tuloy po ang pagtakbo ng ating ekonomiya.” Ito ang bahagi ng mensahe ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isinagawang 10 million Fully Vaccinated Filipinos sa 5th Level Megatrade Hall, SM Megamall noong Huwebes, Agosto 5. “Bukas magsisimula naman po tayo ng ECQ. Ngunit hindi po ibig sabihin na magsasara […]
-
Universal vaccine cards hinihirit
Dapat magkaroon na ng universal vaccine cards na magpapatunay na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at kikilalanin maging sa labas ng bansa. Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mapaulat na hindi umano kinikilala ng gobyerno ng Hong Kong ang vaccine cards ng mga Overseas Filipino Workers na bigay ng […]
-
Pinoy karate athlete James De los Santos muling nagwagi
MULI na namang nakapagbulsa ng gintong medalya si Filipino karate James De los Santos. Nakuha niya ang ika-17th gold medal niya sa Katana Inter Con- tinental Karate League e-Tournament. Sa nasabing torneo ay nagtala ito ng 26.1 points unang pagkakataon. Nahigitan ng 30-anyos ang pambato ng Costa Rica na si Juan Achio […]