• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magandang birthday gift sa Kapuso actress: BARBIE, nanalo na naman ng Best Actress dahil sa pagganap bilang Klay

NAGING isang magandang birthday gift kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza last July 31, ang patuloy niyang pananalo ng acting awards sa pagganap niya as Klay sa “Maria Clara at Ibarra” na kasama niya sina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose at David Licauco. 

 

 

On Instagram, Barbie posted a photo of her Best Drama Actress trophy at ang pasasalamat niya sa bumubuo ng Golden Laurel Batangas Media Awards 2023 sa pagkilala sa kanyang pagganap.

 

 

Nagpasalamat din si Barbie dahil kinilala rin nilang Best Drama Series ang “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

Meanwhile, tapos na ni Barbie at ng kanyang favorite leading man, David Licauco, ang first movie nila together, ang “That Kind of Love,” na partly shot in South Korea.

 

 

Malapit na rin sila muling mapanood sa primetime, ng remake ng movie ng Viva Films, ang “Maging Sino Ka Man.”

 

 

                                                            ***

 

 

LAHAT pala ng mga programa at movies na produced ng ABS-CBN o may ibang network na kasosyo sila, maliban sa GTV channel ng GMA Network ay hindi pwedeng mag-promote sa noontime show na “It’s Showtime.”

 

 

Napansin daw ng ilang Kapamilya na hindi nagpo-promote sa said show ang cast ng programang “Pira-Pirasong Paraiso” nina Elisse Joson, Charlie Dizon, Loisa Andalio at Alexa Ilacad, at “Nag-aapoy na Damdamin” nina JC de Vera, Jane Oineza, Ria Atayde at Tony Labrusca.

 

 

“Umeere kasi sa GTV Channel ng GMA ang “It’s Showtime,” kaya kahit na may partnership na ang GMA Network at ABS-CBN ay hindi naman in partnership ang GMA at TV5. Ang dalawang TV shows ay produced ng TV5 in partnership with ABS CBN.

 

 

Pero kapag solo produced daw ng Kapamilya network, tulad ng (FPJ’S) Batang Quiapo,” “Dirty Linen” at “Iron Heart,” pwede silang mag-promote.

 

 

Ganoon din ang “Unbreak My Heart” kasi Viu produced iyon plus collab naman ng GMA at ABS-CBN.

 

 

                                                            *****

 

 

MANANATILING Kapamilya si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, matapos niya muling pumirma ng exclusive contract sa ABS CBN last week kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang ika-40 years na in showbiz.

 

 

Ayon kay Gary, labis niyang pinahahalagahan ang pagiging isang Kapamilya,  “When you say Kapamilya, it’s not just a tagline we add to ourselves.  It is how we treat each other, and it resonates with how we are with everybody watching.  We have to be a Kapamilya to every person, whether Kapatid, Kapuso or Ka-A2Z.

 

 

“It gave me encouragement to know that after 40 years, there are still many years to look forward to being that exactly – in the service of the Filipino worldwide,”

 

 

Sa loob ng 20 years, naging bahagi si Gary ng ABS-CBN bilang regular host at performer sa longest-running musical variety show sa bansa ang “ASAP Natin ‘To.”

 

 

Naging judge at mentor din si Gary sa hit Kapamilya talent shows like “X-Factor Philippines,” “World of Dance Philippines,” “Your Face Sounds Familiar,” “Idol Philippines” at “Tawag ng Tanghalan.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Baloaloa, 4 pa lagas sa Angels via free agency

    NASA limang key player ng Petro Gazz Angels sa pangunguna nina  Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Jeanette Panaga, at Jonah Sabete ang naglaho sa team dahil sa pagiging free agent.   Sa isang social media post ng Petro Gazz nitong isang araw lang, pinasalamatan ng team ang naging serbisyo ng tatlo kasama rin sina Cherry Nunag at Jovy […]

  • Rehabilitation project sa NAIA, sisimulan na sa isang taon

    SISIMULAN na sa susunod na taon ang rehabilitasyon at pagkukumpuni sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Ito ang naging pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan  sa press briefing sa Malakanyang  kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na simulan na ang proyekto.     Sinabi ng Kalihim […]

  • MARVEL DELAYS ‘BLACK WIDOW’ AND OTHER PHASE 4 FILMS

    MCU’s Phase 4 will be taking longer to unfold.   Last year’s San Diego Comic- Con was a blast for MCU fans as Marvel laid out its initial plans for Phase 4 of the Marvel Cinematic Universe. But just like any other plans made for this year, setbacks were inevitable.   According to Variety, Disney […]