• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magbabalik-showbiz na ang asawa ni Luis; JESSY, makaka-partner ni GERALD sa upcoming series na ’Nobody’

DAHIL sa sunod-sunod na pangagamit o mga pekeng audition ay naglabas ng press statement ang Star Magic, ang talent center ng ABS-CBN.

 

 

 

Tuloy-tuloy pa rin kasi ang tinatawag nating scammers sa showbiz.

 

 

 

Kami naman ay naniniwala na matitigil din ang mga ito kagaya ng kontrobersiyal na “pogo” na kung saan sinasabing nagpalayas kay Bamban Mayor na si Alice Guo.

 

 

Ang latest nga na raket nitong mga showbiz scammer ay isang fake audition para sa raw sa gagawing sexy film kung saan ginagamit pa ang pangalan ng head ng Star Magic at ABS-CBN TV Productions na si Direk Laurenti Dyogi.

 

 

Siyempre dahil ang masamang intensiyon ay ang makapangloko, bago raw isalang for audition ay hihingian na sila agad ng audition fee.

 

 

Dahil dito at para maiwasang dadami pa ang mabiktima kaya minabuti ng management na naglabas ng opisyal na pahayag.

 

 

Sa pahayag na nilabas ay winarningan nila ang publiko na mag-ingat sa mga ganitong klaseng pangloloko at sa mga nagpapakilalang sila si Direk Lauren.

 

 

Narito ang official statement ng Star Magic:

 

 

“We have been made aware of an ongoing scam targeting artists and colleagues in the entertainment industry, wherein the name of Star Magic head Laurenti Dyogi is being falsely used to solicit auditions for a non-existent daring or sexy film project.

 

 

“We want to stress that there is no such project and Star Magic does not conduct auditions that require anyone to engage in compromising acts.

 

 

“Any communication or message suggesting otherwise is a scam. The phone numbers provided in these messages do not belong to Direk Lauren. Please do not respond or send any personal information.

 

 

“Thank you, Kapamilya!”

 

 

***

 

 

KUNG si Julia Barretto ay may matagumpay na pelikulang ‘Un/Happy For You’, si Gerald Anderson ay bibida naman sa upcoming Kapamilya project na ‘Nobody.’

 

 

Nakaplantsa na ito and anytime soon ay magiging busy na si Gerald sa promo ng nasabing proyekto.

 

 

Sa mga nagtatanong kung sino ang magiging kapareha ni Gerald dito, siyempre hindi si Julia.

 

 

Eh, sino naman ang makakasama ni Gerald sa project na ito?

 

 

Well, walang iba lang naman kundi ang magbabalik-showbiz na si Jessy Mendiola.

 

 

Pero may chemistry ba raw ang boyfriend ni Julia at asawa ni Luis Manzano?

 

 

Well, tingnan natin, huh!

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Japan ikinabahala ang missile test ng North Korea ilang araw bago ang pagdalaw ni Biden

    IKINABAHALA ng Japan ang muling pagpapalipad ng North Korea ng kanilang ballistic missiles.     Sa pinakahuling insidente ay nagpakawala ang North Korea ng tatlong ballistic missile patungo sa karagatang sakop ng Japan.     Isinagawa aniya ang nasabing missile test ilang araw bago ang pagbisita ni US President Joe Biden sa South Korea at […]

  • Mindanao ihiwalay na sa Pilipinas – Duterte

    INIHIRIT ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.     Sa pulong balitaan sa Davao, sinabi ng dating Pangulo na ito ay maisasagawa sa pamamagitan nang pagkalap ng mga pirma.     Kasabay naman ng panawagan ni Digong dumistansya ang mga senador sa plano na isulong ang paghihiwalay ng Mindanao sa […]

  • PGH Director Dr. Gap Legaspi pinakaunang tinurukan ng Sinovac vaccine sa Pinas

    Nagsimula nang gumulong ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan kung saan pinakaunang tinurukan ng bakuna sa Pilipinas kontra sa respiratory disease na ito ay si Philippine General Hospital Director Gap Legaspi.     Dakong alas-9:00 nitong umaga nang magsimula ang ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan gamit ang dumating kahapon na CoronaVac shots, […]