• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maging alerto vs COVID-19 ngayong Semana Santa – DOH

NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na panatilihin ang pagsunod sa ‘minimum public health standards’ sa paggunita sa Semana Santa at ipinaalala na nananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa.

 

 

Kabilang sa ibinilin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ang palagiang pagsusuot ng face mask, isolation kapag nakaramdam ng sama ng pakiramdam, tiyakin na maayos ang sirkulasyon ng hangin sa lugar na ginagalawan, at doblehin ang proteksyon sa pagpapabakuna.

 

 

Muli rin niyang hinikayat ang mga Katoliko na itigil na ang pagpepenitensya dahil sa banta ng sakit gaya ng tetano at bacterial infection na dulot nito at hindi rin naman ito hinihikayat ng simbahang Katolika.

 

 

Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na iwasan ang paghalik sa mga santo at santa at iba pang imahen at poon sa ating mga simbahan dahil maaari itong maging paraan ng virus transmission.

 

 

Sa kabila na isa sa pinaka-importanteng pagdiriwang ang Mahal na Araw, dapat alalahanin din ng publiko na nandiriyan pa rin ang virus na mas nakakahawa na ngayon dahil sa naglalabasang variants nito.

Other News
  • Pinagdiinan na, “I don’t need anyone to survive”… HEART, ‘di napigilang patulan ang basher na tinawag siyang ‘gold digger’

    HINDI na naman nakapagpigil ang Kapuso actress -vlogger na si Heart Evangelista na patulan ang isang basher na kung saan tinawag siyang ‘gold digger’.     Wala ngang takot ang Twitter user na si @BasherNgBayan sa panglalait sa asawa ni Sen. Chiz Escudero at sinabi nitong, “Si @heart021485 is a gold digger is a fact.” […]

  • Meet ’The Bad Guys’ in the New Heist Caper Comedy from DreamWorks Animation

    ARE you excited to see this animated comedy flick?     Meet The Bad Guys in the new heist caper comedy from DreamWorks Animation and Universal Pictures International that will open in Philippine cinemas this April 27.     Packed with high-octane energy and sharp cultural references, the film represents a bold, stylish, new artistic direction for […]

  • 72 NFL players nagpositibo sa coronavirus

    Umaabot sa 72 mga US football players ang nagpositibo sa COVID-19.   Kinumpirma ito ng National Football League palyer’s union matapos ang isinagawang malawakang pagsusuri sa mga manlalaro.   Hindi naman nila binanggit kung ilan sa halos 2,900 na manlalaro ng NFL ang natapos na sumailalim sa pagsusuri.   Ang nasabing test results ay lumabas […]