• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkapatid sa sugatan sa pamamaril sa Malabon

SUGATAN ang isang magkapatid matapos umanong pagtripan barilin ng tatlong lalaki, kabilang ang isang menor-de-edad na pinaniniwalaang mga lasing sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan si Joemarie Tuazon, 18, construction worker at kanyang kapatid na si Miguel Angelo, 16, kapwa ng East Riverside, Araneta Village Subdivision, Bryg. Potrero.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, isa sa mga suspek na edad 16-anyos ang naaresto ng mga tauhan ng Sub-Station 1 sa follow-up operation habang pinaghahanap pa ng mga operatiba ng Follow-Up Unit si Ivo Baste Martin, 18, ng Brgy 142, Bagong Barrio, Caloocan City at isa pang hindi kilalang kasama ng mga ito.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Diego Ngippol at P/SSgt. Mary June Belza, habang naglalakad ang magkapatid sa kahabaan ng East Riverside, Araneta Village Subdivision pauwi dakong alas-9:40 ng gabi nang sundan sila ng mga suspek.

 

 

Nang mapansin ng mga biktima na sinusundan sila ay tinangka ng mga ito na iwasan ang mga suspek subalit, isa sa tatlo ang naglabas ng homemade shotgun o “sumpak” at pinaputukan ang magkapatid.

 

 

Kahit sugatan, nagawa pang makatakbo ng mga biktima hanggang sa makahingi sila ng tulong sa nagpapatrolyang mga pulis na naging dahilan upang mabilis na tumakas ang mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Sen. Bong, aware sa ‘di pagri-renew ni Janine sa GMA-7

    AWARE si Senator Bong Revilla na sa hindi pagre-renew ng GMA-7 sa kontrata ni Janine Gutierrez, may ilang ispekulasyon na kesyo mas pinaboran ng GMA si Senator Bong over Janine.   Na ang puno’t-dulo ay nang mag-comment si Janine sa kanyang Twitter account nang “Oh God” sa anunsiyo ng GMA na comeback show ni Sen. […]

  • Nazario sampa sa propesyonal

    UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.     Isinama siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach […]

  • Nasawi sa bagyong ‘Egay’ sumirit sa 29; Nasalanta lagpas 3-M na — NDRRMC

    PAPAAKYAT pa rin ang bilang ng mga binawian ng buhay buhat ng nagdaang Super Typhoon Egay at pinalakas nitong habagat, ito habang aabot na sa halos 300,000 ang lumilikas mula sa kanilang mga tahanan.     Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong tumabo na sa 3.02 milyon ang naaapektuhan […]