Magparehistro para sa 2022 elections – Comelec
- Published on May 11, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magparehistro na, lalo’t 4 na buwan na lang bago ang deadline para rito.
Target ng komisyon na magkaroon ng 7 milyong bagong rehistradong botante pero nasa 2.8 milyon pa lang ang bilang ng mga nagpaparehistro mula Abril 30. Sa Setyembre 30 nakatakda ang deadline para sa voter registration.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi palalawigin ang voter registration period kahit suspendido ito sa mga lugar na nasa ilalim ng mahigpit na community quarantine status.
“Unfortunately, mukhang hindi na siya puwedeng i-extend because the day after the close of registration [is] filing of COC (certificates of candidacy), which means we have to start preparing for election day documents na,” ani Jimenez.
Gumagawa naman umano ng mga hakbang ang Comelec para palawakin ang pagkakataon ng publiko para magparehistro habang sinusunod ang health protocols laban sa COVID-19.
Kabilang dito ang ‘pre-online registration’ para mabilis na ang proseso pagtungo ng aplikante sa Comelec office.
-
Pagkakaisa nais ni Ramirez sa POC
BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board kasabay sa payo na iabot ang kanilang kamay sa lahat ng miyembro pati na rin sa mga natalong kandidato para sa inaasam na pagkakaisa sa pribadong organisasyon. ““During my tenure as chairman of PSC, […]
-
PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan
BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang kakaibang katapangan at giting sa pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan. Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng […]
-
ILANG MGA INFORMAL SETTLER SA BINONDO, SINIMULAN NANG MAGKUSANG-LOOB NA GIBAIN ANG KANILANG BAHAY
SINIMULAN nang gibain ng mga pamilyang iskwater ang kanilang tinutuluyang bahay na kanilang itinirik sa kahabaan ng Delpan street sa Binondo partikular na ang mga nasa center island nito ngayong araw. Ayon kay Manila City Engineering Office head Engr. Armand Andres, ang mga pamilyang nagkusang-loob na gibain ang kanilang tinutuluyang bahay sa […]