• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magpi-premiere ang six movies sa Nagoya: Direk NJEL, patok sa box-office sa international film festival sa Japan

SA Nagoya ang isa sa may pinaka-maraming Pilipino sa Japan, kaya naman isinali ng award-winning director na si Direk Njel de Mesa ang kanyang pelikula sa Jinseo Arigato International Film Festival.

 

Pero nagulat pa rin si Direk Njel nang pagkakaguluhan ang kanyang mga obra doon.

 

“Tila nagustuhan ng mga Pilipino at Nihonjin ang mga kakaibang kwento—na hindi lang confined sa rom-com or horror—merong quirky elements, wordplay, at magic realism”, banggit niya, patungkol sa kanyang obserbasyon.

 

Nagsimulang mag-produce ng pelikula si Direk Njel de Mesa sa kanyang suspense-thriller na “Coronaphobia” noong panahon pa ng pandemya ngunit natigil rin ito dahil sa kanyang pagsisilbi bilang Vice Chairman ng MTRCB.

 

Pero nang magkaroon siya nang panahon at pagkakataon, rumatsada na ang direktor sa paggawa ng makabuluhang mga pelikula kasama ang “Muse of Philippine Cinema” na si Arci Muñoz.

 

Ngayong taon, maipapalabas na sa mga international film festivals ang kanilang mga kolaborasyon. Anim na pelikula nila ang magkakaroon ng Japan Premiere sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Nagoya, Japan.

 

International ang magiging red carpet premiere ng mga pelikulang: “Malditas In Maldives”, “Must Give Us Pause”, “Mama ‘San?”, “Coronaphobia”, “Creepy Shorts Anthology”, at “Subtext”.

 

Ang apat na nalalabing pelikula ng NDMstudios ay itatampok naman sa mga film festivals sa Singapore, Hongkong, Taiwan, Canada, Switzerland, at Dubai.

 

Ngunit ng tanungin si Direk Njel kung kailan mapapanuod sa Pilipinas ang mga obra niya, kakaiba ang sagot niya: “Iikot muna kami sa mga film festivals abroad. Kapag malakas na ang boses ng panawagan na maipalabas dito sa Pilipinas, saka kami magpapalabas.” Kasunod nito ay ilulunsad na rin ni Direk Njel ang kanyang NDM animation studios sa Japan.

 

Una na sa listahan ang “Malditas in Maldives” na pinagbibidahan ni Arci Muñoz, Kiray Celis at Janelle Tee. Isang nakakatawang pelikula tungkol sa mga matapobreng vloggers na nababaliw sa isang paulit-ulit na araw sa Maldives. Ang “Must Give Us Pause” at “Mama, ‘San?” ay nagtatampok kay Shaneley Santos na isa sa mga homegrown NDMstudios baby.

 

Ang “Coronaphobia” ay isang suspense-thriller kasama si Daiana Menezes at Will Devaughn tungkol sa mga turistang naubusan ng pera nung panahon ng pandemya na pinagpapatay ng isang praning na janitor.

 

Ang “Subtext” ay nagwagi ng 1st Prize Don Carlos Palanca Awards at ipalalabas ng libre sa JAIFF2024 na nagtatampok kay Paolo Contis, Ciara Sotto, Ely Cellan at marami pang iba.

 

Ang “Creepy Shorts Anthology” ay koleksyon ng maiikling kwento na nakakatakot na tampok ang mga artista ni Direk sa NDMstudios Japan.

 

Maaring mapanuod ang kanilang mga trailer, teaser at clips sa www.facebook.com/NDMstudios, www.youtube.com/NjeldeMesa, www.instagram.com/NjeldeMesa

(ROHN ROMULO)

Other News
  • MAG-INGAT sa PAGBILI/PAGSALO sa mga SASAKYAN – mga SINDIKATO TALAMAK na NANGBIBIKTIMA ng mga BUYERS

    ISA  sa mga lumapit sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para magpatulong ay may kakaibang karanasan sa pagbili ng sasakyan.     Naghangad na bumili ang biktima ng sasakyan at sa isang sikat na on-line market siya tumingin.  Nang may nakursunadahan ay nakipagkita siya sa seller.  Isang Montero na halos Isang Milyon piso […]

  • Knights sa Finals; Red Lions humirit ng ‘do-or-die’

    TINAKASAN ng No. 1 at nagdedepensang Letran Knights ang No. 4 Perpe­tual Altas, 77-75, sa Final Four para umabante sa NCAA Season 97 men’s basketball finals kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.     Ito ang ika-10 sunod na ratsada ng Knights, nag­dala ng ‘twice-to-beat’ ad­vantage sa Final Four, ma­tapos ang […]

  • Pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tutugis sa mga nagmamanipula sa presyo ng mga meat products

    APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tututok sa isyu ng labis na pagtaas ng presyo ng mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan.   Ito rin ang tutugis at mag-iimbestiga sa mga hinihinalang nagmamanipula sa suplay at presyo ng mga meat products sa bansa.   […]