• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAGTIPID NG TUBIG, EL NIÑO KAKABIG – PAGASA

NANAWAGAN ang isang hydrologist sa publiko, partikular sa mga residente ng Metro Manila, na magtipid ng tubig dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng water level sa ilang mga dam.

 

 

Ayon kay hydrologist Sonia Serrano, sa kanilang pagbabantay sa Angat Dam na nagsusuplay sa 98 porsyento ng potable water sa Metro Manila sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, naobserbahan ang pagbaba ng 0.9 meter sa water level nito mula Feb. 1 to 8 at karamihan sa water levels ng mga dam ay bumaba mula noong Enero.

 

 

Sa kasalukuyan, lahat ng dam ay mas mababa sa normal water levels ng mga ito, na 212 meters para sa Angat, 575 meters para sa Binga, 280 meters para sa San Roque, 221 meters para sa Pantabangan, 193 meters para sa Magat, 288 meters para sa Caliraya, 80.15 meters para sa La Mesa, at 752 meters para sa Ambuklao.

 

 

Subalit, tumaas ang water levels ng La Mesa at Ambuklao sa nakalipas na 24 oras, kung saan umakyat ang lebel ng tubig sa La Mesa ng 0.10 meter sa 77.89 meters, at Ambuklao ng 0.02 sa 750.91 meters.

 

 

Nitong Enero, sinabi ng PAGASA na inaasahan na ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dam dahil sa nararanasang malakas na tropical cyclone ng bansa.

 

 

Iginiit din niya ang paggamit ng recycled water bilang pambuhos sa mga toilet, at pagbawas ng ginagamit na tubig para sa paliligo at paglilinis ay makatutulong ng malaki sa pagtitipid ng tubig. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Para talagang nagalit kaya nag-walkout: MARIAN, pinaiyak nang husto si IVANA sa ginawang prank

    ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa prank ni Marian Rivera kay Ivana Alawi kung saan napaiyak niya ito nang bonggang-bongga!     Pero bago ang tsika about that, shall we say na ang ganda-ganda ng bahay nina Marian at Dingdong Dantes at suwerte si Ivana na pumayag ang Dantes couple na sa […]

  • Senator Tulfo binatikos DSWD sa — libu-libong contractual employees

    MARIING binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa libu-­libong social workers na hindi pa rin nare-regular kahit pa halos isang dekada nang nagtatrabaho sa ahensiya.     Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng DSWD, sinabi ni Sen. Tulfo na maraming kawani ng ahensiya ang magreretiro pero […]

  • HEART, nagpainit sa social media nang i-upload ang branded one piece bikini na worth P40K

    BUKOD sa nalalapit na lock-in taping ni Heart Evangelista ng GMA upcoming fashion-romantic-comedy series na I Left My Heart in Sorsogon, ay busy rin siya sa pagpapatayo ng sarili niyang beauty company.     Ipinaalam niya ito sa kanyang mga fans and followers sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. May mga nagtanong kay Heart na mga […]