• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 10 libong residente napagkalooban ng financial assistance ni Konsehala Aiko Melendez

UMABOT sa 10,500 residente ng Quezon City ang napagkalooban ng financial assistance na naibaba sa pamamagitan ni District 5 Councilor Aiko Melendez.

 

 

Bukod sa financial assistance, nakapagbaba rin katumbas ng P20 million medical assistance sa pamamagitan ng Guarantee Letters si Melendez na kamakailan ay ginawaran ng “National Outstanding Humanitarian and Leadership Service”. Kasama niya sa mga pinarangalan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na kinilala bilang “National Outstanding Mayor of the Philippines” ng Saludo Excellence Award.

 

 

Sinabi ni Melendez na ito ay naging possible dahilan sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian.

 

 

Ayon sa kanya, nakatanggap ng ayudang P1,000 to P2,000 ayuda ang kanyang mga kadistrito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis o AICS ng DSWD simula nang muli siyang maupo bilang konsehal ng ikalimang distrito. Nauna nang nagsilbi bilang konsehal ng Quezon City si Melendez noong 2001 hanggang 2010.

 

 

“Ang AICS ay diretsong tulong na ipinagkakaloob ng DSWD sa mga Pilipinong humaharap sa krisis. Ang layunin natin ay masiguro na walang mamamayan na maiiwan, at kami ay patuloy na magsusumikap upang mas marami pang maabot ang proramang ito at patuloy na magsusumikap upang maging boses ng mga nangangailangan at magkaroon ng positibong pag-asa sa buhay ng mga taga Quezon City” sabi ni Melendez.

 

 

Kabilang sa mga mambabatas na nagbaba ng pondo sa ikalimang distrito sa pamamagitan ng DSWD ay sina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa Senator Grace Poe, Senator Manuel “Lito” Lapid, Senator Robin Padilla, at Senator Joel Villanueva. Nagpasalamat si Melendez sa tulong ng mga mambabatas at ng DSWD na pinakinabangan ng may 10,500 residente mula sa ikalimang distrito.

 

 

“Ako’y nagpapasalamat na naging daan ang aming tanggapan upang itong tulong na mula sa National Government at sa ating mga mambabatas ay maibaba sa ating mga kadistrito na humaharap sa kahirapan at pagsubok sa kanilang buhay,” sabi ni Melendez.

 

 

Nangako naman si Melendez na patuloy siyang makikipag-ugnayan sa lahat ng sector na maaring magkaloob ng tulong para sa mamamayan ng Quezon City. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • 3 LRT 2 stations na nasunog malapit ng buksan

    Ang tatlong (3) Light Rail Transit 2 (LRT2) stations na nasunog noong 2019 at nahinto ang operasyon ay mabubuksan na sa first quarter ng taon.   Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Anonas, Katipunan, at Santolan stations ay muling mabubuksan ang operasyon sa unang quarter ng taon.   Ang nasabing tatlong stations ay […]

  • DINGDONG at ANGEL, kasama sa tatanggap ng ‘FAN 2021 Cinemadvocates’ ng FDCP dahil sa kontribusyon nila sa Pelikulang Pilipino

    SA ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) magbibigay rin ng special awards  para magbigay-pugay sa mga film stakeholder na may napakahalagang kontribusyon sa industriya at patuloy na nagtatrabaho para sa ikabubuti ng Pelikulang Pilipino.     Ang ‘Cinemadvocates’ ay special segment ng FAN ngayong taon para kilalanin ang […]

  • Aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment sa Bulacan Polytechnic College, nagsimula na

    LUNGSOD NG MALOLOS– Maaari nang magsimula sa proseso ang mga Bulakenyong estudyante na nagnanais na magpatuloy ng libreng pag-aaral sa pagbubukas ng Bulacan Polytechnic College ng aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment para sa Taong Pampaaralan 2021-2022 noong Abril 22, 2021 at tatagal hanggang Agosto 15, 2021.     Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na hindi […]