• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 100 kanseladong POGO, nananatiling nag-o-operate -PAOCC

SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nananatiling nago-operate ang mahigit sa 100 kanseladong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

 

 

Sa Bagong Pilipinas Ngayon forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na sinusubaybayan ng ahensiya ang 402 kanseladong POGO hubs.

 

 

“Sa listahan na binigay ni [Philippine Amusement and Gaming Corporation] noong nakaraang taon, meron silang 402 na di umano’y mga kanseladong mga POGOs,”ayon kay Casio.

 

 

“Sa aming pagmamanman doon sa 402 na iyon, marami pa ho halos 100 ang mga operational sa mga iyon,” aniya pa rin.

 

 

Ani Casio, sa ngayon, apat na POGO hubs ang naipasara ng PAOCC, sa tulong ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation.

 

 

Tinuran pa ni Casio na umabot pa ng limang linggo ang PAOCC para sa case buildup at dalawang buwan naman para sa operasyon laban lamang sa isang POGO hub.

 

 

“To be honest, at the rate we are going, hindi ho yata natin kayang tapusin ang problemang ito hangga’t hindi magkakaroon ng polisiya na mas malalim at mas malakas laban dito sa mga scam farms ng mga ito,” aniya pa rin.

 

 

At nang tanungin kung irerekomenda ng PAOCC kay Pangulong FerdinandMarcos Jr. ang “total ban” sa mga POGOs, sinabi ni Casio na bahala na si PAOCC chair, Executive Secretary Lucas Bersamin sa bagay na ito.

 

 

Winika ni Casio na palaging sumasangguni si Bersamin sa ibang Cabinet secretaries at law enforcement agencies. (Daris Jose)

Other News
  • Tiger Woods magbabalik na sa paglalaro ng golf matapos ang aksidente

    Naghahanda na si Tiger Woods sa paglalaro nito ng golf.     Ito ay matapos ang halos 10 buwan mula ng maaksidente ito.     Pumirma na ito kasi para sa maglaro sa PNC Championship kasama ang anak.     Gaganapin ang torneo sa Florida sa Disyembre 16.     Bagamat hind ito katulad ng […]

  • Sa unforgettable 13th anniversary episode ng ‘Good News’: VICKY, sinamahan ni SHAIRA na mag-ikot sa South Korea

    ESPESYAL na episode ang handog ng weekly news magazine show na “Good News” para sa ika-13 taon nito dahil biyaheng South Korea si Vicky Morales kasama pa si Sparkle artist Shaira Diaz ngayong gabi (April 20), 9 p.m. on GTV.     Ipapasyal ni Vicky at ng certified Korean culture fanatic na si Shaira ang […]

  • PBBM, bitbit ang $1.3-B investment pledges matapos ang mabungang US official visit

    BITBIT  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pag-uwi sa Pilipinas ang USD1.3 bilyong halaga ng investment pledges matapos ang five-day official visit sa Estados Unidos.  Sa kanyang post-visit report,  sinabi ng Pangulo na sa kanyang mga engagements kasama ang maraming  American business groups, sinabi niya na nagawa niyang akitin ang maraming negosyante na palawakin ang […]