• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHIGIT 15 MILYONG PINOY ‘DI PA REHISTRADO SA PHILHEALTH

KINUMPIRMA ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na mahigit sa 15 milyong Pinoy ang hindi pa nakarehistro sa kanilang tanggapan.

 

Ayon kay PhilHealth Vice-President Oscar Abadu Jr., hanggang nitong Setyembre 2020 ay nasa 94.9 milyon o 86.1% ng populasyon ng bansa, ang miyembro na ng state insurer habang nasa 15.2 milyon pa aniya ang hindi pa rin rehistrado.

 

Gayunman, sa ilalim aniya ng Universal Health Care law, lahat ng Pinoy, na ngayon ay nasa 110.9 milyon na ang populasyon ay awtomatikong sakop na ng PhilHealth.

 

“Under Section 5 of the law, all Filipinos should be covered … Also, what we are aiming to achieve in the next few months is that all few months is that each and every Filipinos is registered with a primary care provider,” pahayag pa ni Abadu.

 

Aniya pa, ito rin ang magiging entry point ng lahat ng mamamayan upang magkaroon ng mas mataas na antas ng probisyon ng pangangalaga,

Other News
  • Nasa 600-K DepEd personnel, magsisilbi sa Halalan 2022

    NASA 600,000 na mga tauhan ng Department of Education (DepEd) ang nakatakdang magsilbi para sa nalalapit na Halalan 2022.     Ayon kay DepEd Director Marcelo Bragado Jr., mas mataas ito kumpara sa bilang ng mga DepEd personnel na nagserbisyo noong nakaraang eleksyon noong taong 2019.     Paliwanag niya, ito ay sa kadahilanang nadagdag […]

  • Chinese nat’ls ang karamihang sangkot sa ‘biggest’ drug busts ng PDEA nuong 2021

    INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang 10 biggest anti-narcotics operations nuong 2021 at kalahati ng kanilang operasyon ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.     Batay sa datos na inilabas ng PDEA, sa limang buybust operations, 13 Chinese suspeks ang sangkot kung saan siyam ang napatay sa ikinasang police operations.     […]

  • Utos ni PBBM sa mga ahensiya ng pamahalaan, LGUs: Suportahan ang programa laban sa kriminalidad

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang  memorandum circular na inaatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at hinikayat naman ang local government units  na suportahan ang 2023 National Crime Prevention Program (NCPP).     Sa ilalim ng  Memorandum Circular No. 19, nilagdaan ng Pangulo araw ng Martes, ang direktiba ay alinsunod sa  […]